
It's too late babyThere's no turning aroundI got my hands in my pocketand my head in a cloudThis is how I dowhen I think about you
Mga nilalaman ng magulong utak ni N

It's too late babyThere's no turning aroundI got my hands in my pocketand my head in a cloudThis is how I dowhen I think about you
‘TANG INA MO, PACMAN! HINDI KA PA KINAIN NG PUSA NUNG MALIIT KA PA!’
Ito lang ang masasabi k okay Manny Pacquioa, ang siguro isa sa pinakamabangis na boksingerong nabubuhay. Malupit na mga suntok, magandang fighting stance isama pa natin ang sobrang gandang footwork.
Hindi ko alam, pero mabangis s’ya idol ko nga sya eh, napababa nya ang crime rate sa bansa (nireport kasi ng PNP, ayon sa aking napanood, nung oras daw ng laban n’ya walang nangyaring krimen sa oras ng laban nya.).
Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa ganyong aktibidad na kinakailangang masaktan ang ibang tao, pero dun sa laban nya nung sabado, nabigla ako dahil bigla ko na lamang nakita ang sarili ko na nakkisigaw at nakikitalon kasama ang aking mga kapitbahay. Hanggang sa nagmuni-muni ako at naalala ko na kung paano akong napunta sa bahay ng aming kalapit bahay. Ganito yun…
Dahil walang internet sa bahay, naisipan ko na lang biglang maglakad-lakad para makabili na rin ng yosi, at nakikinig ko sa bahay ng mga karatig bahay na walang cable na nagbabakbakan na si Pacman at si Hatton. Hindi ko ito gaanong pinansin, nagtuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang nakita ko sa ang kumpulan ng aking mga kabarkada, nagsisisgawan na sila, yung iba tumatalon pa. at dahil ako ay isang taong nakikiusyoso lamang, naisipan ko na lang bigla na makisawsaw. PUTA! Laban lang pala ni Pacman ang pinapanood, bakit kailangan pang sumigaw at magsitalon. Ang jojologs talaga ng mga tao sa barangngay naming.
At nang makiusyoso na nga ako, aba teka, maganda na ang laban, unang pwesto ko pa lang nakita ko na agad si Hatton na bumagsak, steady pa rin ako. Parang hindi apektado pero nararamdaman ko na ang aking sugo ay nagsisimula nang tumaas, at nang ikalawang bagsak ni Hitman, dahil sa fake punch ni Pacman, hindi ko namalayan na tumalon na rin ako. Hindi ko na naalala ang pagbili ng yosi.
At nang ikalawang round, hindi na ako umalis sa pwesto ko, baka kasi maunahan pa ako ng kung sinong tambay.
Natatawa talaga ako nung matapos na ang laban, parang mga tanga yung mga tao, sila-sila na yung magkakasama sa panonood, sila-sila pa yung nagkukwentuhan, prang mga tanga, pero minsan productive talag yung discussion nila, maliban sa mga yabangang naganap, naroon din ang mga kuro-kurong nagbigay ng leksyon sa akin. Kung ano man yun, sakin na lang yun, hayaan ko na lang na diskubrehin mo kung ano man yung natutunan kong iyon.
Ang payo ko lang kay PACMAN, oh my IDOL PACMAN, wag ka nang tumakbo sa 2010, masisira lang ang karir mo dun.
At kay Martin Nievera naman, ' GAGO KA, WAG MONG SISIHIN ANG IDOL KO SA KATANGAHAN MONG KUMANTA'
When I grow up I wanna be famous, I wanna be a star, I wanna be in movies When I grow up I wanna see the world, drive nice cars, I wanna have groupiesWhen I grow up, be on tv, people know me, be on magazines When I grow up, Fresh and clean, number one chick when I step out on the scene Hindi ko alam, bored nanaman siguro ako kaya andito ako sa harap ng Microsoft word at nagtytype ng sari-saring mga bagay na wala namang kabuluhan. Nagbukas ako ng word pero wala pa rin naman akong idea kung ano ang aking isusulat. Minsa gusto kong sumulat ng isang nobela, pero hinaharangan ako ng idea na wala namang kwenta yung isusulat ko. At kung may magbabasa man nito, yung mga pinilit ko la ng na magbasa ang magtityaga.
Kung itutuloy ko pa to, magiging makalat lang ang laman nito at maguguluhan ka lang. ngunit dahil sabi ni Prof. Mabini DG. Dizon na kailangan mahalin mo ang iyong mambabasa. Mamahalin kita. Titigil muna ako sa pagtatayp at mag-iisip muna ng magandang topic.
May nabasa ako kanina, wala lang, nag-init ang tenga ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa hindi ko maexpress na nagbabagang damdamin sa mga bagay bagay. Ewan ko, siguro kahit anong pilit at sabi ko sa sarili ko na “N, you are so over her.” Hindi ko alam, ang saya-saya ko pa naman kanina kasi matagal kong nakasama si Karas. Pero nung nakabalik na ako sa undo ng internet at nabasa ko yung blog entry na yun.
Oo, apektado pa rin ako sa kanya. Kahit na nasa prinsipyo ko na bawal ang magrecylcle ng mga naging karelasoy, gustong gusto ko pa rin syang balikan sa hindi malaman na dahilan. Siguro, hinahanap hanap ko ang kanyang... uhmm.. pagmamahal? Maraming bagay na hindi ko naayos sa relasyon namin. Pero siguro hanggang pagkakaibigan na lang talaga. Tapos nasira pa dahil sa mga bagay na hindi ko inaasahang makalabas. Madaldal kasi akong tao, parang.. parang.. parang ang blog na ito. At naiinis ako na kahit pagkakaibigan ay ayaw n’ya na. ang Wala s’yang nabanggit na pangngalan dun sa entry nay un, pero dahil sa detalye nung mga bagay nay un. Alam ko na para sakin yun. ang bobo naman kasi ng mga daliri ko, at sa maling tao ko pa nasabi yung mga bagay na para sa kanya pala ay isang pribadong bagay. Kunsabagay, kanya-kanyang perspektibo yan.
Mali siguro na sinayang ko yung atensyong ibinigay n’ya sakin, nuknukan naman kasi ng bobo ng mga pangyayari nun. Clingy s’ya, at ako naman ay walang pakelam. Nagkandaleche-leche yung Thesis ko nung mga panahong yun. hindi ko alam kung ano na gagawin ko nun.
Siguro kailangan pinag-isipan ko muna lahat ng gagawin ko nun, ako kasi yung taong walang