Hindi ko alam, bored nanaman siguro ako kaya andito ako sa harap ng Microsoft word at nagtytype ng sari-saring mga bagay na wala namang kabuluhan. Nagbukas ako ng word pero wala pa rin naman akong idea kung ano ang aking isusulat. Minsa gusto kong sumulat ng isang nobela, pero hinaharangan ako ng idea na wala namang kwenta yung isusulat ko. At kung may magbabasa man nito, yung mga pinilit ko la ng na magbasa ang magtityaga.
Kung itutuloy ko pa to, magiging makalat lang ang laman nito at maguguluhan ka lang. ngunit dahil sabi ni Prof. Mabini DG. Dizon na kailangan mahalin mo ang iyong mambabasa. Mamahalin kita. Titigil muna ako sa pagtatayp at mag-iisip muna ng magandang topic.
May nabasa ako kanina, wala lang, nag-init ang tenga ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa hindi ko maexpress na nagbabagang damdamin sa mga bagay bagay. Ewan ko, siguro kahit anong pilit at sabi ko sa sarili ko na “N, you are so over her.” Hindi ko alam, ang saya-saya ko pa naman kanina kasi matagal kong nakasama si Karas. Pero nung nakabalik na ako sa undo ng internet at nabasa ko yung blog entry na yun.
Oo, apektado pa rin ako sa kanya. Kahit na nasa prinsipyo ko na bawal ang magrecylcle ng mga naging karelasoy, gustong gusto ko pa rin syang balikan sa hindi malaman na dahilan. Siguro, hinahanap hanap ko ang kanyang... uhmm.. pagmamahal? Maraming bagay na hindi ko naayos sa relasyon namin. Pero siguro hanggang pagkakaibigan na lang talaga. Tapos nasira pa dahil sa mga bagay na hindi ko inaasahang makalabas. Madaldal kasi akong tao, parang.. parang.. parang ang blog na ito. At naiinis ako na kahit pagkakaibigan ay ayaw n’ya na. ang Wala s’yang nabanggit na pangngalan dun sa entry nay un, pero dahil sa detalye nung mga bagay nay un. Alam ko na para sakin yun. ang bobo naman kasi ng mga daliri ko, at sa maling tao ko pa nasabi yung mga bagay na para sa kanya pala ay isang pribadong bagay. Kunsabagay, kanya-kanyang perspektibo yan.
Mali siguro na sinayang ko yung atensyong ibinigay n’ya sakin, nuknukan naman kasi ng bobo ng mga pangyayari nun. Clingy s’ya, at ako naman ay walang pakelam. Nagkandaleche-leche yung Thesis ko nung mga panahong yun. hindi ko alam kung ano na gagawin ko nun.
Siguro kailangan pinag-isipan ko muna lahat ng gagawin ko nun, ako kasi yung taong walang