Friday, April 17, 2009

ii: Dam-it



Wala Ka Lang Pera Kaya Ka Nagkakaganyan” ito ang statement shirt na nais naming ipagawa ng mga kashop ko. Hindi ko pa alam kung matutuloy pa yung balak namin na ito, pero sana matuloy. Wala na kasi akong maisuot na t-shirt, ang mga t-shit ko sa bahay eh, mga matagal ko ng nabili. Ibigsabihin, luma na. Oo, luma na yung shirts ko.  Kung magkikita man tayo at makikita mong yung suot kong damit ay naisuot ko na noong isang linggo, huwag ka nang magtaka. Dahil ngayon alam mo na ang dahilan.

Nais ko na ngang sumali ng paliga ng basketball para lang madagdagan ang aking wardrobe, o kaya naman, makisali na lang sa pagbabayad ng jersey at hindi maglaro. Para lang talaga madagdagan ang aking mga isusuot. Kung itatanong mo naman sakin kung bakit hindi na lang ako bumili ng shirt sa palengke, ukay-ukay, sari-sari store, bangketa, talipapa, wet market, dry market, hardware, botika o kung saan pa mang tindahan na maiisip mo. Ito ang isasagot ko sa’yo: “gusto ko ng shirt na hindi ko mabibili kung saan-saan.” Overrated na kasi yung mga shirts na tulad ng 3 Stars and a Sun. Kahit saan makakakita ka na, *kahit halatang fake, sinusuot pa rin nila, makasabay lang sa uso*kahit mga batang paslit na hindi naman talaga alam kung ano ang isinisumbolo ng damit na yon meron. Mainstream na kasi. Isa pa, sabi sa isang sayt, kapag daw mahigit dalawang daan na ang meron, jologs na. At naniniwala naman ako dun.



It takes some time to fall in love

But it takes you years to know what love is

It takes some fears to make you trust

It takes those tears to make it rust

It takes some dust to make it  polished

No comments: