Sunday, March 29, 2009

i: Oras na.*

Dahil sa tinagal-tagal ng panahon na wala akong ginagawa sa aking buhay, nawawalan na rin ako ng oryentasyon sa oras at petsa. Medyo nakakainis lang kasi madami akong hindi naalalang kaarawan, mga espesyal na araw, tulad ng kaarawan ngmga tao, kaarawan ng aso naming, kaarawan ko (oo, muntik ko na rin makalimutan ang aking kaarawan). At pati ang Earth Hour ay muntik ko ng makalimutan.

Kakatapos lang ng earth hour kahapon, ito yung sinasabi ng mga tao na boto natin para sa mundo, pero alam ba talaga ng lahat ng tao kung ano ang significance nito sa buhay natin? Kung ano ang maitutulong nito sa kinabukasan ng mga batang magiging anak nila, mga batang mabubuhay sa hinaharap.

Nabalita sa baranggay namin na mawawlaan dawn g kuryente sa oras ng mundo, hindi ako naniwala dahil sa ang pagkakaalam ko eh prerogative ng isang household kung ito ay makikilahok sa naturang botohan para sa mundo. Ang nakakatawa, nakita ko yung mga kapitbahay naming na bumibili ng madaming kandila. Sobrang nakakatawa talaga, panic buying ang ginawa nila na humantong sa muntik na akong maubusan ng kandila nung ako na ang bibili. Tapos ang mas nakakatawa, nung mismong Earth Hour, wala man lang akong nakitang saradong ilaw maliban sa bahay naming at ang mga bahay na karatig naming, ibig sabihin tatalo lang kami sa purok naming na nakilahok. At ang pagbili nila ng kandila ay hindi upang makilahok, kundi paghahanda sa nabalitang pagkakaroon ng kawalan ng kuryente.

Hindi ko talaga maiwasang matawa na sa kabila ng napakaadvanced na mundo natin pagdating sa media(nasabi ko ito dahil sa karamihan ng bahay sa aming lugar ay may telebisyon) hindi pa rin naiintindihan ng mga mamayan kung ano ang mga bagay na dapat nilang maintindihan. Ang pagpapakalat ng impormasyon ay hindi pa rin nagagawa ng mabuti at ang kampanyang ginagawa ay hindi pa rin sapat.

Siguro sa lugar lang naming nagkaganito at hindi sa ibang lugar, squatter’s area kasi itong lugar namin, madaming adik, madaming mag-iinom, madaming sari-saring iba pa.

Dahil napag-usapan na rin lang naman ang usaping botohan, magsasalita na rin ako ukol dito. Kakarehistro ko lang nung pebrero,naisip ko na kalangang maging tama ang mga desisyon ko sa darating na 2010, hindi pwedeng basta basta lang ako boboto ng hindi puinag-iisipan to, kinabukasan ko kasi ang nakasalalay dito, pati na rin ang kinabukasan ng mga magiging anak ko (kung magkakaron man), mali mali, dapat pala.. kinabukasan ng bansa.

Wala pa akong naiisip na iboboto, pero sana may sumulpot madaming madaming madaming madaming politikong hindi trapo, yung tipong tatakbo dahil bored lang sila, o kaya naman eh wala na silang paglagyan ng pera, o kaya naman hindi sinabihan sya ng dyos na magpagaling pero hindi nya naman magawa kaya bigla na lang nya naisip na tumakbo ng mabilis sa freedom park o kaya naman eh sa paligid ng sunken garden, pwede rin naming gusto nya lang magartista, ay baliktad pala, mga artista pala yung mga gustong pumasok sa pulitika kahit wala naman talaga silang alam sa pagpapatakbo kahit ng isang baranggay lamang.

Sana lang hindi na na lumabas ang mga ito kandidatong hindi nararapat*at kung may sumulpot man, wag sana silang manalo, para wala na ring Lala at Zorro sa pagala-gala sa kung saan man.

Wala nang pinatutunguhan ang aking sinasabi, sumasakit na ang ulo ko. Tinatamad na rin akong mag-isip. Pagod na ako sa sistema. At kinakain na rin ako nito.

 

99 red balloons
Floating in the summer sky
Panic bells, it's red alert
There's something here
From somewhere else
The war machine springs to life
Opens up one eager eye
Focusing it on the sky
Where 99 red balloons go by.

 

  *Dahil ngayon na lang ulit ako nakapagblog, kailangan iba naman ang gawin ko sa blog-entry ko, naisip ko na mas maganda kung iisip na ako ng title, at parang ibang kabanata na ito, kaya iba na rin yung pambilang ko sa mga entries ko. parang naisip ko lang na ibang season na itong ginagawa ko, kaya sana yung mga dating bumabasa eh magbasa pa rin. Salamat, salamat, salamat.

 

 

No comments: