Friday, February 20, 2009

ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.

Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..

 

Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni roy, parang istilo ni bob ang gamit ko sa pagsususlat. Hindi ko naman napapansin yun, basta sulat lang ng sulat ng sulat ng sulat ng sulat ng mag-until positive infinity. At hindi ko naman namamalayan na nagagaya ko nap ala ang istilo nya. Anyways, ito na yung introduksyon sa aking mumunting blog na madalang pa sa patak ng ulan kung ma-update ko.

 

Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.

 

Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung  pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.

 

Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.

 

At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.

 

Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.

 

Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.

 

Di mapakali
Magdamag
Hinahanap
Nababaliw
Tuwing naaalala
Ang init
Di malimutan
Kailangang muling makamit
Ang tamis
Sa ating mga labi

Halika tikman ang langit

2 comments:

tsariba said...

kaya pala minsan nakakanta ko yung mga nasa pinaka ilalim ng mga entry mo hehe

N said...

hahaha! kanta lang :D