Showing posts with label boredome. Show all posts
Showing posts with label boredome. Show all posts

Friday, February 20, 2009

ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.

Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..

 

Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni roy, parang istilo ni bob ang gamit ko sa pagsususlat. Hindi ko naman napapansin yun, basta sulat lang ng sulat ng sulat ng sulat ng sulat ng mag-until positive infinity. At hindi ko naman namamalayan na nagagaya ko nap ala ang istilo nya. Anyways, ito na yung introduksyon sa aking mumunting blog na madalang pa sa patak ng ulan kung ma-update ko.

 

Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.

 

Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung  pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.

 

Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.

 

At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.

 

Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.

 

Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.

 

Di mapakali
Magdamag
Hinahanap
Nababaliw
Tuwing naaalala
Ang init
Di malimutan
Kailangang muling makamit
Ang tamis
Sa ating mga labi

Halika tikman ang langit

Thursday, February 5, 2009

ikawalo: Shortcuts: press Ctrl with: B = Bold, I = Italic, P = Publish, S = Save, D = Draft more

Martes ng gabi, napag-usapan namin ni Glenn na magpunta sa kabayanan para makakuha s’ya ng litrato para sa kanyang graduation. Bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede kaming dumaan ng kapitolyo para makapagparehistro na rin ako para sa eleksyon na magaganap sa Mayo Twentiten (May 2010). At alas otso ang napagkasunduang pagpunta nya sa bahay naming para ako ay gisingin para makaligo ako at makaalis kami ng alas- nuebe.

            Dumaan ng bahay namin si Glenn, nagulat ako. Puta akala ko alas otso pa lang, at pagtingin ko sa wolklok, putang ina nanaman, alas nuebe y medya na, at bihis na ang kupal na si Glenn. Parang tanga, nakalimutan daw akong gisingin. Ang karaniwang kalahating oras ng paliligo ay naging sampung minuto. Bilis, parang LBC.

            At buong sigla na naming tinungo ang kapitolyo n gaming mumunting syudad. Dahil sa kainitan, naisipan naming magsakay patungong munisipyo. Nuknukan talaga ng init, sobrang init na kahit ako na isang batang lansangan ay nainitan.

            Pagdating namin sa kapitolyo, maraming tao. Akala ko nga may artista eh, yun pala hinihintay nila ang aking pagdating, pero pauso ko lang yun. madaming tao ang nakapila para sa rehistrasyon sa pagboto. Kaya pa naman ako nagpahuli ng pagpaparehistro eh dahil ayoko talaga ng matagal na paghihintay. Pero dahil andun na kami, wala ng atrasan. Go na :D.

            Kapag pala below 21 years old ka, kakailanganin mo pala ng birth certificate para lamang makarehistro, at dahil wala akong dalang ganun, minarapat naming pumunta muna ng kabayanan para makapagpakuha muna si Glenn ng picture at matapos nun, pinababalik kami sa loob ng dalwampung minuto, kakailanganin pa kasi i-edit ang kanyang mga tagyawat. Pagkatapos nung umuwi muna kami para kunin ang aking birth certificate. At pagbalik naming sa kapitolyo, cut-off na daw dahil kailangan nilang magtanghalian. Alas-onse pa lamang nun, pero magtatanghalian na sila, at isipin mo pinababalik kami ng ala-una y medya, mukang madami silang kakainin, baka merong may birthday kaya matagal ang lunch break nila. O baka naman mabagal lang talaga silang kumain. Hindi ko alam. Malabo silang mga empleyado ng gobyerno.

            Pagbalik naming ng ala-una y medya o mas maaga pa, mas mahaba na yung pila, kung bakit ba naman kasi hindi nila kami pinayagang magpareserve ng slot para hindi na naming kakailanganin pang pumila ulit. Wala talaga silang magandang sistema. At sila din naman ang nahirapan, kasi parang may rampage na sa loob ng kapitolyo, sobrang dami na naming, maingay na, at parang nasa palengke na kami. Buti na lang nakasama ko si Glenn, kung hindi pagod na pagod na pagod na pagod ako sa kahihintay dun, mabilis pa man din akong mainip.

            Nakakainis yung nag-aassist sa mga taong nagpaparehistro, nakekeelam sa kung ano man yung gusto kong isulat, parang isa akong illiterate na tao, hindi marunong magbasa, sumulat at umintindi. Eh mas matalino naman ako sa kanya :) pati ba naman yung pagcheck ko ng pabaliktad eh pinapakelaman. Eh sa ganun ang nakasanayan ko eh, bakit ba nakekeelam pa sya. Nakakainis.

            At yon matapos ang isang oras na pagpila ng nakatayo. Nakunan na rin ako ng picture at ng thumb mark. Kung tutuusin, mabilis lang yung proseso. Yung mga empleyado lang ang nagpapakumplikado.

 

Youre so fine and you're mine
Make me strong, yeah you make me bold
Oh your love thawed out
Yeah, your love thawed out
What was scared and cold *

*teka bakit nasa playlist ko to? hahaha

           

 

Sunday, January 18, 2009

ikaapat: Dashboard | My Account | Help | Sign out

Bigla ko lang napansin, once a month pala ang post ko sa blog na ito, samantalang yung sa ibang blogs halos weekly meron ako. Hahaha hindi magandang obserbasyon yung nagawa ko. Wala naman kasing significance yun sa buhay ko. At isa pa, I’m trying to abstain from being online. I wish I could do this. Hahay.

Enough of the fucking introduction. Well, I still do not have anything to post at the moment. But since I want a new blog entry, I’d have to finish this one. But still I cannot think of what to post. :)

Aha! Now I know what to post! xD

My YM status have had been continuously inconsistent. Inconsistent in the sense that it changes from time to time, at the rate of 5 statuses per hour harhar(Idk how a normal person could have this type of laugh). Anyways, here are some of the statuses that I use that I have had been using for the past 3 months.

Pero dahil nahihirapan na akong sabihin ang mga naiisip ko sa inggles, magtatagalog na lang muli ako. :D

Solo Nomar Basta

Nakuha ko itong status na ito mula sa isang religious organization sa pinanggalingan kong unibersidad. Solo Dios Basta yung tunay na phrase nay un. Na ang kahulugan ay “God alone is enough.” Naisip ko lang na pwede kong gawing status yun. wala lang, naisip ko rin kasi na sapat na ako para sa sarili ko. Hindi ko na kailangan ng kahit sino pa para lamang magawa ang mga bagay na gusto ko(hindi ito yung eksaktong nasa isipan ko, pero ito na yung kaya kong asbihin, isipin mo na lang kung English to, lalo na akong walang nagawa.) Solohista na ako. :D

Invisible Kunwari

Ito naman yung status na ginagamit ko na status kapag ayokong makipag-usap sa ibang tao. Wala lang paimportante lang, wala naman kasi talagang kumakausap sakin eh :))

Ngunit kapag ito ang status ko, wag ka ng umasang magrereply ako sa’yo. Matatagalan na. malamang AFK ako o talagang wala lang ako sa mood makipag-usap.

I’m immobile

Sabi ni diane, cool daw yung status ko. Hmmm, naisip ko din bigla, cool nga :p.

Wala na kasi akong maisip nung panahon na naisip ko to, tapos nakita ko yung mga contacts ko. It’s either they are on SMS or I’m mobile. Eh since hindi na ako gaanong naalis ng bahay at harap ng PC. Kaya yun hindi na ako gumagalaw. Steady na ako, immobile na. parang tanga.

AFK: kumakain, naglalaba, nagluluto…

Kapag sobrang busy na ako, at hindi ko na talaga maatupag ang mga bagay bagay sa PC na to. As in wala na akong maasikasong IMs and messages sa kung saan saang networking sites. Ito ang status ko. Madalas idle lang ako nito. Hindi ginagalaw ang PC.

Since napag-usapan ang idle, kinakailangan sabihin ko din kung bakit idle ako at hindi ko pinapatay ang CPU. Ito ay sa kadahilanang nag-dodownload ako ng madaming pelikula at kung ano ano pang mga bagay bagay, tulad ng MP3s applications, at nag-aatendance din ako sa grand chase

I've heard it all before
I've seen this ship a thousand times
Oh, I've seen it all before
It's tall and harder when they fall