Showing posts with label me. Show all posts
Showing posts with label me. Show all posts

Friday, February 20, 2009

ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.

Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..

 

Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni roy, parang istilo ni bob ang gamit ko sa pagsususlat. Hindi ko naman napapansin yun, basta sulat lang ng sulat ng sulat ng sulat ng sulat ng mag-until positive infinity. At hindi ko naman namamalayan na nagagaya ko nap ala ang istilo nya. Anyways, ito na yung introduksyon sa aking mumunting blog na madalang pa sa patak ng ulan kung ma-update ko.

 

Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.

 

Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung  pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.

 

Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.

 

At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.

 

Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.

 

Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.

 

Di mapakali
Magdamag
Hinahanap
Nababaliw
Tuwing naaalala
Ang init
Di malimutan
Kailangang muling makamit
Ang tamis
Sa ating mga labi

Halika tikman ang langit

Thursday, February 5, 2009

ikawalo: Shortcuts: press Ctrl with: B = Bold, I = Italic, P = Publish, S = Save, D = Draft more

Martes ng gabi, napag-usapan namin ni Glenn na magpunta sa kabayanan para makakuha s’ya ng litrato para sa kanyang graduation. Bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede kaming dumaan ng kapitolyo para makapagparehistro na rin ako para sa eleksyon na magaganap sa Mayo Twentiten (May 2010). At alas otso ang napagkasunduang pagpunta nya sa bahay naming para ako ay gisingin para makaligo ako at makaalis kami ng alas- nuebe.

            Dumaan ng bahay namin si Glenn, nagulat ako. Puta akala ko alas otso pa lang, at pagtingin ko sa wolklok, putang ina nanaman, alas nuebe y medya na, at bihis na ang kupal na si Glenn. Parang tanga, nakalimutan daw akong gisingin. Ang karaniwang kalahating oras ng paliligo ay naging sampung minuto. Bilis, parang LBC.

            At buong sigla na naming tinungo ang kapitolyo n gaming mumunting syudad. Dahil sa kainitan, naisipan naming magsakay patungong munisipyo. Nuknukan talaga ng init, sobrang init na kahit ako na isang batang lansangan ay nainitan.

            Pagdating namin sa kapitolyo, maraming tao. Akala ko nga may artista eh, yun pala hinihintay nila ang aking pagdating, pero pauso ko lang yun. madaming tao ang nakapila para sa rehistrasyon sa pagboto. Kaya pa naman ako nagpahuli ng pagpaparehistro eh dahil ayoko talaga ng matagal na paghihintay. Pero dahil andun na kami, wala ng atrasan. Go na :D.

            Kapag pala below 21 years old ka, kakailanganin mo pala ng birth certificate para lamang makarehistro, at dahil wala akong dalang ganun, minarapat naming pumunta muna ng kabayanan para makapagpakuha muna si Glenn ng picture at matapos nun, pinababalik kami sa loob ng dalwampung minuto, kakailanganin pa kasi i-edit ang kanyang mga tagyawat. Pagkatapos nung umuwi muna kami para kunin ang aking birth certificate. At pagbalik naming sa kapitolyo, cut-off na daw dahil kailangan nilang magtanghalian. Alas-onse pa lamang nun, pero magtatanghalian na sila, at isipin mo pinababalik kami ng ala-una y medya, mukang madami silang kakainin, baka merong may birthday kaya matagal ang lunch break nila. O baka naman mabagal lang talaga silang kumain. Hindi ko alam. Malabo silang mga empleyado ng gobyerno.

            Pagbalik naming ng ala-una y medya o mas maaga pa, mas mahaba na yung pila, kung bakit ba naman kasi hindi nila kami pinayagang magpareserve ng slot para hindi na naming kakailanganin pang pumila ulit. Wala talaga silang magandang sistema. At sila din naman ang nahirapan, kasi parang may rampage na sa loob ng kapitolyo, sobrang dami na naming, maingay na, at parang nasa palengke na kami. Buti na lang nakasama ko si Glenn, kung hindi pagod na pagod na pagod na pagod ako sa kahihintay dun, mabilis pa man din akong mainip.

            Nakakainis yung nag-aassist sa mga taong nagpaparehistro, nakekeelam sa kung ano man yung gusto kong isulat, parang isa akong illiterate na tao, hindi marunong magbasa, sumulat at umintindi. Eh mas matalino naman ako sa kanya :) pati ba naman yung pagcheck ko ng pabaliktad eh pinapakelaman. Eh sa ganun ang nakasanayan ko eh, bakit ba nakekeelam pa sya. Nakakainis.

            At yon matapos ang isang oras na pagpila ng nakatayo. Nakunan na rin ako ng picture at ng thumb mark. Kung tutuusin, mabilis lang yung proseso. Yung mga empleyado lang ang nagpapakumplikado.

 

Youre so fine and you're mine
Make me strong, yeah you make me bold
Oh your love thawed out
Yeah, your love thawed out
What was scared and cold *

*teka bakit nasa playlist ko to? hahaha

           

 

Saturday, January 31, 2009

ikapito: Find Deals, Read Reviews from Real People. Get the Truth. Then Go.

            Since boredom is killing me, bigla ko na lang naisip na ipost yung bucket list ko. Medyo may katagalan na ring nasaakin tong lumang papel na ito. Dinagdagan ko lang ng konti kahapon. Well, siguro madadagdagan pa ito sa mga susunod na mga araw, buwan o taon, hindi ko alam. Basta gusto ko lang itong ishare sa mga taong nagbabasa ng blog na ito. At ito na s’ya. 

BUCKET LIST!* 

[x] Star gazing with someone special

[x] Laugh ‘til I cry

[] Milk a cow

[] Bungee jumping

[] Witness something majestic

[] Sky diving (?)

[] Shoplift :)

[x] Have a degree

[] Finish a Post-Grad degree

[] Take a picture with Oble

[] SCUBA dive/ snorkle

[] Inuman session with Ama

[] Compete and complete a marathon

[] Ride a hot air balloon

[] Paris

[] Meet Mariel in person

[] Get a tattoo

[] Have my hair dread-locked

[] Go on a road trip with no predetermined destination

[] Talk about life with a total stranger

[] Sleep under the stars

[x] Go Fishing

[] Visit San Pablo’s seven lakes

[x] Participate in a rally

[] Go skinny dipping at Boracay

[x] Learn how to use chopsticks

[] Attend an FOB or P@TD concert

[] Find a four leaf clover

[] Pay for a stranger’s meal anonymously

[] Attend a lesbian/gay bar

[] Have at least two children

[x] Dance in the rain with someone who loves me/whom I love

[x] Donate blood

[] Be a member of Red Cross/ WWF/PETA

[] Stop smoking

[] Ride a pushcart (thanks to ola)

 

*Yung mga may ‘x’, tapos na or partially completed. :)

Well I saw you with your hands above your head
Spinning around, trying not to look down
But you did, and you fell, hard on the ground
Then you stumbled around for a good ten minutes
And I said I'd never seen anyone look so dumb before
And you laughed and said I still know how to turn you on though

Monday, November 24, 2008

Una: Return to list of posts

Hindi ko alam ang magiging entry sa blog na ito. Wala pa akong maisip. Yung sa mga nauna ko kasing blogs. May kanya kanyang tema, maliban dun sa friendster na anything goes at madaming echoserang nakikielam. Pero kunsabagay kaya nga ako nagpublish ng isang post ay dahil sa gusto mong mabasa ng mga mga interesado sa'yo yung mga bagay na nasaisip mo. Pero ang bano diba? Ay hindi magulo lang talaga ako.

Nakikinig ako ngayon sa Lying is the most fun a girl can have without taking your clothes off, wala lang nasabi ko lang, naaliw kasi ako sa kantang to, kaya naka repeat one sya sa windows media player ko. Ayos hindi ako nagsasawa, hindi katulad nung ibang mga kanta na isang beses ko lang mapakinggan eh sawa na agad ako. Sinearch ko din kanina yung meaning ng song at hindi ko na maalala kung ano yung meaning. Wala lang shinare ko lang talaga na ginagawa ko yung ganun.

Siguro masyado ng huli ang entry na ito dahil abril pa lamang ng taong ito, kasapi na ako sa multiply. Ang abnormalites ko talaga. Ang introduksyon na ito ay tungkol sa pangalan ko. Simulan natin sa kung sino ako. Ako si
Nomar, kung babaliktarin mo ang pagbaybay sa mga letra nito eh magkakaron ka ng ramon, pero nagkakamali ka kung iniisip mong dyan nagmula ang pangngalan ko.Galing yan sa pangalan ng nanay at tatay ko, mahal kasi nila Ama at Ina ang kanilang mga pangalan kaya ginawa nilang hybrid ng pangngalan nila ang pangalan ng panganay sa tatlong anak nila.

Yung mga kaibigan ko nung highschool, ang tawag nila sakin eh
noms, hindi ko alam kung san nila nakuha yun, pero siguro tinatamad lang silang banggitin yung huling syllable ng pangalan ko. Tapos sila Harry naman, ganun din ang tawag sakin. Hindi ko talaga alam, siguro tinatamad lang talaga silang banggitin yung ar. Pero bakit kapag reymar, o jomar hindi nila ginagawang rey na lang at jo, respectively, yung tawag nila sa mga taong yun. Ano kaya ang special sa pangalan ko at ginaganun nila. *sigh* Bahala sila sa mga buhay nila. :p

Nito namang huling semester ko sa unibersidad, nagpauso ako ng bagong nickname. At bumenta naman.*evil laugh* nakuha ko yung nickname na
N dun sa Death Note. Isang anime yun, panoorin mo maganda yun. Haha! Naisipan ko lang bigalang magiba ng palayaw. Abnormal lang. Para may maiba lang. :) Naaaliw yung mga taong unang nakakakinig ng nickname na un, unique daw. Tapos may mystery daw sa kung anong tunay kong pangngalan. Aliw points para sakin. Actually I’m getting used to people calling me by that name. Nung una hindi ko alam sasabihin ko kapag tinawag nila ako sa ganung pangalan,hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. Baka kasi hindi ako yung tinatawag yun, pero ngayon keri na naman.

Tintamad nanaman akong pumindot sa keyboard na to. Hindi ko alam kung bakit halos lagging ganito ang endings ng mga entries ko. Pero si Kenneth ang nakapansin nun. Ang jologs ng style ko ng pagpapaalam.

PALAGING MAGING MASAYA.

Let’s get these teen hearts beating
Faster, faster…
…will you dance to this beat
and hold a lover close