Showing posts with label idle. Show all posts
Showing posts with label idle. Show all posts

Sunday, March 29, 2009

i: Oras na.*

Dahil sa tinagal-tagal ng panahon na wala akong ginagawa sa aking buhay, nawawalan na rin ako ng oryentasyon sa oras at petsa. Medyo nakakainis lang kasi madami akong hindi naalalang kaarawan, mga espesyal na araw, tulad ng kaarawan ngmga tao, kaarawan ng aso naming, kaarawan ko (oo, muntik ko na rin makalimutan ang aking kaarawan). At pati ang Earth Hour ay muntik ko ng makalimutan.

Kakatapos lang ng earth hour kahapon, ito yung sinasabi ng mga tao na boto natin para sa mundo, pero alam ba talaga ng lahat ng tao kung ano ang significance nito sa buhay natin? Kung ano ang maitutulong nito sa kinabukasan ng mga batang magiging anak nila, mga batang mabubuhay sa hinaharap.

Nabalita sa baranggay namin na mawawlaan dawn g kuryente sa oras ng mundo, hindi ako naniwala dahil sa ang pagkakaalam ko eh prerogative ng isang household kung ito ay makikilahok sa naturang botohan para sa mundo. Ang nakakatawa, nakita ko yung mga kapitbahay naming na bumibili ng madaming kandila. Sobrang nakakatawa talaga, panic buying ang ginawa nila na humantong sa muntik na akong maubusan ng kandila nung ako na ang bibili. Tapos ang mas nakakatawa, nung mismong Earth Hour, wala man lang akong nakitang saradong ilaw maliban sa bahay naming at ang mga bahay na karatig naming, ibig sabihin tatalo lang kami sa purok naming na nakilahok. At ang pagbili nila ng kandila ay hindi upang makilahok, kundi paghahanda sa nabalitang pagkakaroon ng kawalan ng kuryente.

Hindi ko talaga maiwasang matawa na sa kabila ng napakaadvanced na mundo natin pagdating sa media(nasabi ko ito dahil sa karamihan ng bahay sa aming lugar ay may telebisyon) hindi pa rin naiintindihan ng mga mamayan kung ano ang mga bagay na dapat nilang maintindihan. Ang pagpapakalat ng impormasyon ay hindi pa rin nagagawa ng mabuti at ang kampanyang ginagawa ay hindi pa rin sapat.

Siguro sa lugar lang naming nagkaganito at hindi sa ibang lugar, squatter’s area kasi itong lugar namin, madaming adik, madaming mag-iinom, madaming sari-saring iba pa.

Dahil napag-usapan na rin lang naman ang usaping botohan, magsasalita na rin ako ukol dito. Kakarehistro ko lang nung pebrero,naisip ko na kalangang maging tama ang mga desisyon ko sa darating na 2010, hindi pwedeng basta basta lang ako boboto ng hindi puinag-iisipan to, kinabukasan ko kasi ang nakasalalay dito, pati na rin ang kinabukasan ng mga magiging anak ko (kung magkakaron man), mali mali, dapat pala.. kinabukasan ng bansa.

Wala pa akong naiisip na iboboto, pero sana may sumulpot madaming madaming madaming madaming politikong hindi trapo, yung tipong tatakbo dahil bored lang sila, o kaya naman eh wala na silang paglagyan ng pera, o kaya naman hindi sinabihan sya ng dyos na magpagaling pero hindi nya naman magawa kaya bigla na lang nya naisip na tumakbo ng mabilis sa freedom park o kaya naman eh sa paligid ng sunken garden, pwede rin naming gusto nya lang magartista, ay baliktad pala, mga artista pala yung mga gustong pumasok sa pulitika kahit wala naman talaga silang alam sa pagpapatakbo kahit ng isang baranggay lamang.

Sana lang hindi na na lumabas ang mga ito kandidatong hindi nararapat*at kung may sumulpot man, wag sana silang manalo, para wala na ring Lala at Zorro sa pagala-gala sa kung saan man.

Wala nang pinatutunguhan ang aking sinasabi, sumasakit na ang ulo ko. Tinatamad na rin akong mag-isip. Pagod na ako sa sistema. At kinakain na rin ako nito.

 

99 red balloons
Floating in the summer sky
Panic bells, it's red alert
There's something here
From somewhere else
The war machine springs to life
Opens up one eager eye
Focusing it on the sky
Where 99 red balloons go by.

 

  *Dahil ngayon na lang ulit ako nakapagblog, kailangan iba naman ang gawin ko sa blog-entry ko, naisip ko na mas maganda kung iisip na ako ng title, at parang ibang kabanata na ito, kaya iba na rin yung pambilang ko sa mga entries ko. parang naisip ko lang na ibang season na itong ginagawa ko, kaya sana yung mga dating bumabasa eh magbasa pa rin. Salamat, salamat, salamat.

 

 

Friday, February 20, 2009

ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.

Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..

 

Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni roy, parang istilo ni bob ang gamit ko sa pagsususlat. Hindi ko naman napapansin yun, basta sulat lang ng sulat ng sulat ng sulat ng sulat ng mag-until positive infinity. At hindi ko naman namamalayan na nagagaya ko nap ala ang istilo nya. Anyways, ito na yung introduksyon sa aking mumunting blog na madalang pa sa patak ng ulan kung ma-update ko.

 

Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.

 

Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung  pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.

 

Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.

 

At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.

 

Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.

 

Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.

 

Di mapakali
Magdamag
Hinahanap
Nababaliw
Tuwing naaalala
Ang init
Di malimutan
Kailangang muling makamit
Ang tamis
Sa ating mga labi

Halika tikman ang langit

Sunday, January 11, 2009

ikatlo: Moderate Comments

Finally, naisip ko nanamang gumawa ng isang blog entry. Pero hindi ko naman alam kung ano ang magiging lamang nito. Kung anon a lang ang pumasok sa utak ko yun na lang. at pasensya sa mga magbabasa, makisama na lang kayo. 

            Dahil wala pa rin akong trabahong matino hanggang ngayon, naisip naming ng isang kaibigan na magtayo ng isang mumunting negosyo, maliit lang ang kinailangan naming puhanan. At ang negosyong ito ay ang pagbebenta ng laman.

Hindi ko naisip na ganun pala kahirap ang magbenta ng lamang loob. Kakailanganin mong gumising ng alas kwatro ng madaling araw para lamang bumili ka ng sandamakmak na mga kakailanganin sa pagbili nito. Nakakairitang isipin na sa kabila ng paghihirap ng isang manininda, maliit pa rin ang kanyang kinikita.

Noong unang araw namin ng pagtitinda, akala ko sobrang laki na ng aming kikitain. Kasi nakaubos kami ng paninda. Inakala kong kulang kulang tatlong daan ang magiging profit naming sa pagtitinda, pero hindi dahil kumita lamang kami ng mahigit sa isang daan. Eh hindi ako sanay gumising ng umaga hindi naman kasi ako morning person. 

Ang regular kong gising eh alas onse ng tanghali. Pagkagising ko:

Bukas ng PC

Basa ng offliners (kung meron)

Titingnan kung online si karas, kapag hindi malungkot syempre.

Tingin sa forum kung may nagreply sa post ko,

At tinitingnan ko rin kung nagpost yung bespren ko.

Magbabasa ng manga

Tapos iiwanang bukas yung PC para sa mga downloads na hindi matapos-tapos

Gagawa ng mga gawaing bahay.

Maliligo (na minsan ay nakakalimutan ko pa)

Kakausapin si diane :)

Tapos yun na.

Kapag bored na, nanonood na ng mga dinownload DVDrips

 

Isinisingit ko na lang sa routine na ito ang pagkain ng tanghalian at hapunan (na minsan ay nakakalimutan ko pa). Isama pa natin ang pagsingit ko sa SP, kapag hindi na nagfufunction ang utak ko. Hindi ko na itinutuloy. Hindi ko na rin naisisingit ang pagbabasa ng libro. Medyo nawala na yung hilig ko.

 

Anyways, balik tayo sa pagtitinda ng isaw at sarisari inihaw.

 

Noong ikalawang araw naming, sabi ko sa sarili ko: “Ayos na tong ganito lang ang kinikita, atleast meron.” Parang nang-aasar ang putang inang tadhanang yan, wala kaming kinita, nashort pa kami ng eyti pesos. Gaano na ka inis yun. parang tanga lang. Kaya naisip naming bantayan ng mabuti ang mga mamimili. Maraming kasing dampot lang ng dampot ng dampot ng dampot ng dampot, tapos magbabayad lamang para sa limang piraso ng merchandise. Gaano na kaburat yun? 

Naging mas mahirap ang pagbebenta ng lamang loob, kailangan ko ng bantayan ang bawat mamimili, pinakamahirap kapag humigit na sa tatlo ang sabay-sabay sumusubo. Hindi ko na mabilang yung mga kinakain nila. At ang mas mahirap sa pinakamahirap(isipin mo na lang kung gaano kahirap ang ganito) ay kapag yung ga siga at mga adik ng baranggay namin ang bumibili at lumabis ng kain. Kahit na kita ko na silang kumuha ng labis sa ibinayad nila. Hindi ako makakpalag ng ayos, mahal ko kasi ang sarili ko, lalo na ang king pamilya. 

Sa kabila ng ganitong trabaho, masaya pa rin ako, I get to bond with people in the neighborhood, and at the same time, I learn things which the academe can not teach me. Teka nag-eenglish nanaman ako, baka mabasa to ni diane at okrayin nanaman ang post ko :)

 

My heart is yours to fill or burst,
to break or bury, or wear as jewelry,
which ever you prefer.