Finally, naisip ko nanamang gumawa ng isang blog entry. Pero hindi ko naman alam kung ano ang magiging lamang nito. Kung anon a lang ang pumasok sa utak ko yun na lang. at pasensya sa mga magbabasa, makisama na lang kayo.
Dahil wala pa rin akong trabahong matino hanggang ngayon, naisip naming ng isang kaibigan na magtayo ng isang mumunting negosyo, maliit lang ang kinailangan naming puhanan. At ang negosyong ito ay ang pagbebenta ng laman.
Hindi ko naisip na ganun pala kahirap ang magbenta ng lamang loob. Kakailanganin mong gumising ng alas kwatro ng madaling araw para lamang bumili ka ng sandamakmak na mga kakailanganin sa pagbili nito. Nakakairitang isipin na sa kabila ng paghihirap ng isang manininda, maliit pa rin ang kanyang kinikita.
Noong unang araw namin ng pagtitinda, akala ko sobrang laki na ng aming kikitain. Kasi nakaubos kami ng paninda. Inakala kong kulang kulang tatlong daan ang magiging profit naming sa pagtitinda, pero hindi dahil kumita lamang kami ng mahigit sa isang daan. Eh hindi ako sanay gumising ng umaga hindi naman kasi ako morning person.
Ang regular kong gising eh alas onse ng tanghali. Pagkagising ko:
Bukas ng PC
Basa ng offliners (kung meron)
Titingnan kung online si karas, kapag hindi malungkot syempre.
Tingin sa forum kung may nagreply sa post ko,
At tinitingnan ko rin kung nagpost yung bespren ko.
Magbabasa ng manga
Tapos iiwanang bukas yung PC para sa mga downloads na hindi matapos-tapos
Gagawa ng mga gawaing bahay.
Maliligo (na minsan ay nakakalimutan ko pa)
Kakausapin si diane :)
Tapos yun na.
Kapag bored na, nanonood na ng mga dinownload DVDrips
Isinisingit ko na lang sa routine na ito ang pagkain ng tanghalian at hapunan (na minsan ay nakakalimutan ko pa). Isama pa natin ang pagsingit ko sa SP, kapag hindi na nagfufunction ang utak ko. Hindi ko na itinutuloy. Hindi ko na rin naisisingit ang pagbabasa ng libro. Medyo nawala na yung hilig ko.
Anyways, balik tayo sa pagtitinda ng isaw at sarisari inihaw.
Noong ikalawang araw naming, sabi ko sa sarili ko: “Ayos na tong ganito lang ang kinikita, atleast meron.” Parang nang-aasar ang putang inang tadhanang yan, wala kaming kinita, nashort pa kami ng eyti pesos. Gaano na ka inis yun. parang tanga lang. Kaya naisip naming bantayan ng mabuti ang mga mamimili. Maraming kasing dampot lang ng dampot ng dampot ng dampot ng dampot, tapos magbabayad lamang para sa limang piraso ng merchandise. Gaano na kaburat yun?
Naging mas mahirap ang pagbebenta ng lamang loob, kailangan ko ng bantayan ang bawat mamimili, pinakamahirap kapag humigit na sa tatlo ang sabay-sabay sumusubo. Hindi ko na mabilang yung mga kinakain nila. At ang mas mahirap sa pinakamahirap(isipin mo na lang kung gaano kahirap ang ganito) ay kapag yung ga siga at mga adik ng baranggay namin ang bumibili at lumabis ng kain. Kahit na kita ko na silang kumuha ng labis sa ibinayad nila. Hindi ako makakpalag ng ayos, mahal ko kasi ang sarili ko, lalo na ang king pamilya.
Sa kabila ng ganitong trabaho, masaya pa rin ako, I get to bond with people in the neighborhood, and at the same time, I learn things which the academe can not teach me. Teka nag-eenglish nanaman ako, baka mabasa to ni diane at okrayin nanaman ang post ko :)
No comments:
Post a Comment