Tuesday, December 16, 2008

Ikalawa: Paskooo

Malapit na ang pasko, sobrang lapit na, pero hindi ko pa rin maramdaman. Well, nararamdaman ko dahil sa lamig ng panahon. Hindi ko nararamdaman dahil siguro, hindi ko naman talaga kailangan ng pasko.*slight bitterness*. 
Eto yung mga naaalala ko nung pasko noong, kabataan ko pa. 

Caroling.

 Playlist:
Sa may bahay
We wish you a merry Christmas
Nung araw ng pasko
Tuwing sasapit ang pasko
Thank you, thank you, ambabait ninyo(ambabarat ninyo, anlalaking aso. takbo!) 
Makinig pa lang ni ina yung paulit-ulit na pagdidikit ng kutsara’t tinidor, o kahit anong bagay na matunog, sumisigaw na agad s’ya ng “Tawad, malayo pa ang pasko.” Isipin mo naman kasi, kakasimula pa lang ng disyembre may nangangaroling na. Idagdag mo pa yung mga matatanda*ages 20 and above*, na kahit ganun na ang edad nila ang kinakanta pa rin nila eh yung same sequel ng mga kanta. Ang pinag-iba lang  ang gamit nila eh tambourine. Panalo!

Noche Buena

            Itinutulog lang namin ang bagay na ito. 

Pamamasko

            Nung bata ako, kasama ko yung mga kababata ko. Nagpupunta kami sa mga bahay-bahay. Kapag binigyan kami ng limang piso, masaya na kami. Kapag bente, napakasaya.           

            Wala akong nakagisnang ninong at ninang, hindi ko alam kung pinagtataguan nila ako o talagang wala lang talaga sila nung mga panahong hinahanting ko sila. 

            Ngayong matanda na ako. Hindi ko pa rin sila nakikita. Siguro nagtatago nga sila. 

Christmas Party 

            Ito ang isa sa pinakagusto ko sa mga events tuwing malapit na ang pasko. Yung sapilitan kang pagreregaluhin sa isang tao, kahit hindi mo naman talaga sya gustong bigyan ng regalo. At ang mga madalas matanggap? : 

            Picture frame: hindi ko alam kung anong magic ang meron s Picture frame pero mabenta to tuwing pasko. Mga 3 yatang picture frames na hindi ko naman nagagamit ang nasa bahay, lahat yun natanggap ko sa Christmas party.

            Unan: ayos din to, para siguro komportable ang mga tao. Ang bano ng unang naka-isip na iregalo to. Kasi hindi naman nila nakikitang ginagamit to nung pinagregaluhan nila. Malay mo ibebenta lang nila yun :)) 

            Orasan: hindi ko din alam kung bakit mabenta to sa mga ungas na nakikisali sa monito-monita. Hindi ba nila naiisip na hindi naman kailangang madaming orasan sa bahay. Hindi naman sa lahat ng oras eh lahat ng tao ay iniisip kung anong oras na. at minsan nakakairitang makakita makaita ng orasan sa lahat ng sulok ng bahay. 

Simbang Gabi: sabi nila kapag daw nakumpleto mo ito, tapos yung isang bagay na hinihiling mo sa loob nung siyam na gabing iyon eh magkakatotoo. Eh ipanagdasal ko na sana eh makumpleto ko ulit sa isang taon yung simbang gabi. Hindi ko nakumpleto. Haha! 

PALAGING MAGING MASAYA

“I chime in with a ‘Haven't you people ever heard of closing a goddamn door?!’
No, it's much better to face these kinds of things with a sense of poise and rationality.”

No comments: