Tuesday, December 16, 2008

Ikalawa: Paskooo

Malapit na ang pasko, sobrang lapit na, pero hindi ko pa rin maramdaman. Well, nararamdaman ko dahil sa lamig ng panahon. Hindi ko nararamdaman dahil siguro, hindi ko naman talaga kailangan ng pasko.*slight bitterness*. 
Eto yung mga naaalala ko nung pasko noong, kabataan ko pa. 

Caroling.

 Playlist:
Sa may bahay
We wish you a merry Christmas
Nung araw ng pasko
Tuwing sasapit ang pasko
Thank you, thank you, ambabait ninyo(ambabarat ninyo, anlalaking aso. takbo!) 
Makinig pa lang ni ina yung paulit-ulit na pagdidikit ng kutsara’t tinidor, o kahit anong bagay na matunog, sumisigaw na agad s’ya ng “Tawad, malayo pa ang pasko.” Isipin mo naman kasi, kakasimula pa lang ng disyembre may nangangaroling na. Idagdag mo pa yung mga matatanda*ages 20 and above*, na kahit ganun na ang edad nila ang kinakanta pa rin nila eh yung same sequel ng mga kanta. Ang pinag-iba lang  ang gamit nila eh tambourine. Panalo!

Noche Buena

            Itinutulog lang namin ang bagay na ito. 

Pamamasko

            Nung bata ako, kasama ko yung mga kababata ko. Nagpupunta kami sa mga bahay-bahay. Kapag binigyan kami ng limang piso, masaya na kami. Kapag bente, napakasaya.           

            Wala akong nakagisnang ninong at ninang, hindi ko alam kung pinagtataguan nila ako o talagang wala lang talaga sila nung mga panahong hinahanting ko sila. 

            Ngayong matanda na ako. Hindi ko pa rin sila nakikita. Siguro nagtatago nga sila. 

Christmas Party 

            Ito ang isa sa pinakagusto ko sa mga events tuwing malapit na ang pasko. Yung sapilitan kang pagreregaluhin sa isang tao, kahit hindi mo naman talaga sya gustong bigyan ng regalo. At ang mga madalas matanggap? : 

            Picture frame: hindi ko alam kung anong magic ang meron s Picture frame pero mabenta to tuwing pasko. Mga 3 yatang picture frames na hindi ko naman nagagamit ang nasa bahay, lahat yun natanggap ko sa Christmas party.

            Unan: ayos din to, para siguro komportable ang mga tao. Ang bano ng unang naka-isip na iregalo to. Kasi hindi naman nila nakikitang ginagamit to nung pinagregaluhan nila. Malay mo ibebenta lang nila yun :)) 

            Orasan: hindi ko din alam kung bakit mabenta to sa mga ungas na nakikisali sa monito-monita. Hindi ba nila naiisip na hindi naman kailangang madaming orasan sa bahay. Hindi naman sa lahat ng oras eh lahat ng tao ay iniisip kung anong oras na. at minsan nakakairitang makakita makaita ng orasan sa lahat ng sulok ng bahay. 

Simbang Gabi: sabi nila kapag daw nakumpleto mo ito, tapos yung isang bagay na hinihiling mo sa loob nung siyam na gabing iyon eh magkakatotoo. Eh ipanagdasal ko na sana eh makumpleto ko ulit sa isang taon yung simbang gabi. Hindi ko nakumpleto. Haha! 

PALAGING MAGING MASAYA

“I chime in with a ‘Haven't you people ever heard of closing a goddamn door?!’
No, it's much better to face these kinds of things with a sense of poise and rationality.”

Monday, November 24, 2008

Una: Return to list of posts

Hindi ko alam ang magiging entry sa blog na ito. Wala pa akong maisip. Yung sa mga nauna ko kasing blogs. May kanya kanyang tema, maliban dun sa friendster na anything goes at madaming echoserang nakikielam. Pero kunsabagay kaya nga ako nagpublish ng isang post ay dahil sa gusto mong mabasa ng mga mga interesado sa'yo yung mga bagay na nasaisip mo. Pero ang bano diba? Ay hindi magulo lang talaga ako.

Nakikinig ako ngayon sa Lying is the most fun a girl can have without taking your clothes off, wala lang nasabi ko lang, naaliw kasi ako sa kantang to, kaya naka repeat one sya sa windows media player ko. Ayos hindi ako nagsasawa, hindi katulad nung ibang mga kanta na isang beses ko lang mapakinggan eh sawa na agad ako. Sinearch ko din kanina yung meaning ng song at hindi ko na maalala kung ano yung meaning. Wala lang shinare ko lang talaga na ginagawa ko yung ganun.

Siguro masyado ng huli ang entry na ito dahil abril pa lamang ng taong ito, kasapi na ako sa multiply. Ang abnormalites ko talaga. Ang introduksyon na ito ay tungkol sa pangalan ko. Simulan natin sa kung sino ako. Ako si
Nomar, kung babaliktarin mo ang pagbaybay sa mga letra nito eh magkakaron ka ng ramon, pero nagkakamali ka kung iniisip mong dyan nagmula ang pangngalan ko.Galing yan sa pangalan ng nanay at tatay ko, mahal kasi nila Ama at Ina ang kanilang mga pangalan kaya ginawa nilang hybrid ng pangngalan nila ang pangalan ng panganay sa tatlong anak nila.

Yung mga kaibigan ko nung highschool, ang tawag nila sakin eh
noms, hindi ko alam kung san nila nakuha yun, pero siguro tinatamad lang silang banggitin yung huling syllable ng pangalan ko. Tapos sila Harry naman, ganun din ang tawag sakin. Hindi ko talaga alam, siguro tinatamad lang talaga silang banggitin yung ar. Pero bakit kapag reymar, o jomar hindi nila ginagawang rey na lang at jo, respectively, yung tawag nila sa mga taong yun. Ano kaya ang special sa pangalan ko at ginaganun nila. *sigh* Bahala sila sa mga buhay nila. :p

Nito namang huling semester ko sa unibersidad, nagpauso ako ng bagong nickname. At bumenta naman.*evil laugh* nakuha ko yung nickname na
N dun sa Death Note. Isang anime yun, panoorin mo maganda yun. Haha! Naisipan ko lang bigalang magiba ng palayaw. Abnormal lang. Para may maiba lang. :) Naaaliw yung mga taong unang nakakakinig ng nickname na un, unique daw. Tapos may mystery daw sa kung anong tunay kong pangngalan. Aliw points para sakin. Actually I’m getting used to people calling me by that name. Nung una hindi ko alam sasabihin ko kapag tinawag nila ako sa ganung pangalan,hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. Baka kasi hindi ako yung tinatawag yun, pero ngayon keri na naman.

Tintamad nanaman akong pumindot sa keyboard na to. Hindi ko alam kung bakit halos lagging ganito ang endings ng mga entries ko. Pero si Kenneth ang nakapansin nun. Ang jologs ng style ko ng pagpapaalam.

PALAGING MAGING MASAYA.

Let’s get these teen hearts beating
Faster, faster…
…will you dance to this beat
and hold a lover close