Thursday, January 29, 2009

ika-anim: Copyright 2002-2009 Friendster, Inc. All rights reserved. U.S.

Hindi ko alam, hindi  maganda ang pakiramdam ko. Plano kasing ibenta nila ina yung desktop namin. Madami akong mamimiss, mawawala ang halos kalahati ng social life ko. At dahil mawawala na ‘to, naisip kong gumawa ng posibleng last blog entry ko.

Ang Mga Bagay na Hahanap-hanapin Ko Kapag Wala na ang DESKTOP.

1.      Unlimited net Surfing

Pakiramdam ko magiging sobrang boring na talaga ng buhay ko kapag nawala na ang privilege na ito. Isipin mo na lang, walang phone, walanag trabaho at pagkatapos, tatanggalan pa nila ng internet surfing? Sheeeesh, I will effin miss this thing.

2.      Chatting with my Online Buddies

Primarily, dito lang umiikot ang online life ko, usap sa mga real life friends, and mostly to online buddies. Dito ako madalas nakakakuha ng updates sa kanila, yung mga tipong sa simpleng ‘kamusta’ lang eh katalo na. Dun na magsisimula ang walang humpay na usapan, kulitan at asaran.

Mamimiss ko sila, lalo na sila Steph, Diane, at Mariel. Sila kasi yung pinakamadalas kong nakakausap regarding life and things that I would not rant/rave onto others.  

3.      Posting to Online Forums

I would surely miss Sage of the Ages, the egoistic jerk who thinks that English is the only language in the world and who was that first one to called me stupid in a forum. Anyways, enough of him.

Well, madami-dami na kasi akong nakilala sa pag poporum, masaya naman, pananaw ng mga tao regarding issues, eents and everything and anything under the hot sun. masayang basahin ang mga pandadaot, pandadarag at pangungupal ng mga tao sa isa’t isa. Basta masaya.

4.      Unlimited Download of Movies

Enjoy ang panonood ng mga palabas na nagmula sa pinilakang tabing, masaya. Wala akong makitang magandang pag-downloadan ng indiefilms kaya nagttyaga ako sa Hollywood films. Yung mga bagong pelikula ang halos lagi kong pinapanood, tapos minsan kapag tinopak, manonood ako ng ng mga pelikulang wala naman talagang katuturan. Tulad na lang nung ‘a walk to remember’, ‘armageddon’, at ‘the notebook’ na pawing mga paborito kong panoorin. :)

Kadalasan kapag idle ako sa YM nagdodownload lang ako. Abang na abang ako sa mga bagong DVDRip uploads. Kasi sila yung mga magagandang qualities, at hindi nakakahiyang ipahiram sa iba :)

5.      Reading Manga Scans

Nabaliw ako sa pagbabasa ng mga ganitong uri ng bagay. Alam ko na tulad ng ginagawa ko sa ikaapat na mamimiss ko, pinapatay ko ang industriya ng mga kawawang authors, wala naman akong magagawa, wala akong pambili ng mga mangas na nuknukan ng mahal :)

Huli kong binasa, at ngayon ay hindi ko pa rin natatapos ay ang ‘elfen lied’. Hindi ko pa rin natatapos kasi tinatamad na akong magbasa muli ng manga. Kapag sinipag na lang muli ako. At nasa amin pa tong PC na to aba syempre, magbabasa muli ako. Aliw eh.

6.      Reading E-Books

Minahal ko ang pagbabasa. Oo, hindi halata, pero mahilig talaga akong magbasa. Sa internet kasi makakakuha ka ng samu’t saring e-books na pamatay nanaman sa industriya. Sobrang pamimirata na ang ginagawa ko. Ilan sa mga nabasa ko ng e-book ay ‘angels and demons’, ‘sophie’s world’, ‘twilight’(na kalahati pa lamang ang aking nababasa),  ‘disgrace’, ‘the notebook’, at kalahati muli ng ‘a walk to remember’.

7.      Listening to the Music I Love to Hear

Panic! At the Disco, Fall Out Boy, Yellowcard, ilan lamang sila sa mga banding naging paborito ko. Sa internet, nalaman ko ang discographies nila, kung paano sila nabuo, kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga awitin at kung ano-ano pa.

Nakakakinig ako ng cover songs ng kung sino sino, pinakanagustuhan ko eh yung sa boyce avenue, panalo yung covers nila. Hindi na magsisising pinakinggan mo sila :)

            Marami pang iba, na sa oras na ito ay hindi ko maisip. Siguro overdosed nanaman ako sa tulog kaya hindi ako makapag-isip. Hahaha!

Madami talagang pwedeng malaman sa internet. Pwede ka rin matutong gumawa ng atomic bomb kung gugustuhin mo. At mamimiss ko ang bagay na tulad nito

 

 

 

I'll get over you I know I will
I'll pretend my ship's not sinking
And I'll tell myself I'm over you
Because I am the king of wishful thinking

3 comments:

Anonymous said...

bakit naman ibebenta? sayang naman, pero kung pwede namang sumaglilt ka sa computer shops. o 'di kaya palitan niyo ng bagong pc!

'wag masyadong magbabad sa kompyuter.

- tenco

tsariba said...

ang sipag nagbasa ng ebook. ;p

N said...

@tenco,
kailangan, kasi malapit na ang bayaran ng tuition ng aking kapatid, at nuknukan ng dami ng bayarin sa bahay

@tsariba,
salamat sa pagdaan, oo dati masipag akong magbasa ng e-book