Friday, February 20, 2009

ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.

Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..

 

Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni roy, parang istilo ni bob ang gamit ko sa pagsususlat. Hindi ko naman napapansin yun, basta sulat lang ng sulat ng sulat ng sulat ng sulat ng mag-until positive infinity. At hindi ko naman namamalayan na nagagaya ko nap ala ang istilo nya. Anyways, ito na yung introduksyon sa aking mumunting blog na madalang pa sa patak ng ulan kung ma-update ko.

 

Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.

 

Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung  pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.

 

Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.

 

At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.

 

Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.

 

Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.

 

Di mapakali
Magdamag
Hinahanap
Nababaliw
Tuwing naaalala
Ang init
Di malimutan
Kailangang muling makamit
Ang tamis
Sa ating mga labi

Halika tikman ang langit

Monday, February 9, 2009

ika-siyam: Relevant advertising creates a better web experience.

Dahil Pebrero na, naisip kong mag post ng isang entry, wala lang, naisip ko lang. Pero wala naman akong magandang topic na maisip. Tapos, nakausap ko si Ola, isang katoto sa BobOngBooks. Binigyan nya ako ng mga ideas para sa susunod kong blogpost, pero wala pa rin akong napili kaya naisip ko na lamang na gumawa ng post tungkol sa feb-ibig. Pero wala pa ring pumapasok sa isip ko tungkol sa feb-ibig, hanggang sa naisip ko ang isang confe na sinalihan ko. At buti na lang lagi akong handa at nakasave palagi ang archives ko :) at ito ang naging usapan namin.

 

Sidt*(7:45:52 PM): pag na-heartbroken ka sa "crush" d lang basta crush yon haha

Ninko*(7:45:54 PM): :))

Sidt(7:45:59 PM): naman

Ninko(7:46:00 PM): talaga??

Sidt(7:46:02 PM): eh grade 4 ka kasi nun

Sidt(7:46:18 PM): sensitive talaga pag bata pa

Luna*(7:46:21 PM): haha

Ninko(7:46:36 PM): ah so normal lang yun at hindi talaga yun heartbroken?

Sidt(7:46:37 PM): ako nga d lang binilhan ng water gun nung grade 2 ako umiyak na ako eh

Sidt(7:46:47 PM): saka d lang ako pinayagan manood ng dragon balls nagisisisgaw ako sa bahay

Sidt(7:47:05 PM): nde heartbroken yun haha

Ninko(7:47:10 PM): ah ok

Ninko(7:47:12 PM): weeeeeeee

Ako (7:47:13 PM): magandang logic

Luna(7:47:15 PM): wahahha

Ako (7:47:18 PM): :)

Sidt(7:47:21 PM): eh lately Ninko....

Sidt(7:47:25 PM): wala ba?

Ninko(7:47:28 PM): lately..

Ninko(7:47:47 PM): wala akong iniyakan pero meron akong laging iniisip

Ako (7:48:01 PM): kapag ba laging iniisip lab na?

Ninko(7:48:07 PM): oo nga?

Sidt(7:48:39 PM): yihee

Sidt(7:48:40 PM): sino naman

Ninko(7:48:47 PM): ngek

Sidt(7:48:50 PM): nde naman dahil lagi iniisip lab na

Ninko(7:49:04 PM): ah so wala din lang yun

Luna(7:49:05 PM): e pag napanaginipan?

Sidt(7:49:05 PM): haha saka ikaw lang naman talaga makakapag-sabi kung mahal mo yng tao o nde

Sidt(7:49:09 PM): kasi ikaw yung nakakaramdam eh

Ako (7:49:13 PM): eh pano mo msasabi kapag lab na?

Ninko(7:49:16 PM): e ano ba ang mararamdaman?

Sidt(7:49:24 PM): wan ko senyo

Sidt(7:49:26 PM): hahahaha

Luna(7:49:30 PM): wahahaha

Sidt(7:49:31 PM): kayo dapat makaalam

Ako (7:49:47 PM): so, mahirap pala malaman

Ninko(7:49:51 PM): oo nga

Sidt(7:50:00 PM): kung d mo kilala sarili mo, mahirap malaman

Ninko(7:50:04 PM): hala

Ninko(7:50:07 PM): :))

Ako (7:50:08 PM): eh ikaw Sidt, nainlab ka na?

Sidt(7:50:13 PM): oo

Sidt(7:50:14 PM): :))

Ako (7:50:17 PM): sa iyong palagay

Ako (7:50:18 PM): huwaw

Ako (7:50:21 PM): ano naradaman mo?

Luna(7:50:24 PM): hahah. tsk. hey self. let me know you. :))

Ninko(7:50:26 PM): oo nga?

Ako (7:50:33 PM): naiihi ka ba?

Sidt(7:50:37 PM): nde

Ako (7:50:41 PM): natatae?

Sidt(7:50:41 PM): pang-pocket book lang yung ganun ganun

Ako (7:50:51 PM): ano naramdaman mo?

Ninko(7:50:56 PM): tumigil ba ang oras?

Sidt(7:50:59 PM): nde

Ako (7:51:00 PM): saka pano mo narealize na inlab ka na?

Sidt(7:51:07 PM): kasi gusto ko sya

Sidt(7:51:17 PM): tas natutuwa ako pag kausap ko sya

Sidt(7:51:29 PM): tas naisip ko nagka-crush na ako maraming beses dati

Sidt(7:51:34 PM): pero iba to ngayon

Ako (7:51:42 PM): ganun ako sa bespren kong babae, pero pakiramdam ko hindi ako inlab sa kanya

Sidt(7:52:23 PM): saka andun yung gusto mo na sana kung ano nararamdaman mo, ganun din sya sayo

Ninko(7:52:28 PM): ah so dapat kilala mo yung magiging lab mo?

Sidt(7:52:40 PM): pero kung hindi , ayos lang, basta may nararamdaman ka sa nyan

Sidt(7:52:42 PM): hahaha

Luna(7:52:42 PM): wahaha

Sidt(7:52:45 PM): syempre

Ako (7:52:50 PM): ahhh ganun pala

Luna(7:52:51 PM): shet.

Sidt(7:52:52 PM): pano mo mamahalin yung isang tao kung d mo kilala?

Luna(7:52:53 PM): =))

Sidt(7:52:54 PM): :-s

Ako (7:52:57 PM): so hindi pala ako inlab ngayon

Luna(7:52:59 PM): aw. mahirap yon

Ninko(7:53:03 PM): ako rin :(

Ako (7:53:03 PM): karas ko lang si erika

Sidt(7:54:16 PM): basta yung mga nasa pelikula nila john lloyd/bea alonzo, o kaya sa mga  inday pocketbooks

Sidt(7:54:20 PM): OAness na yun

Sidt(7:54:29 PM): hahaha kasi nung ako nainlab nde naman ganun

Luna(7:54:29 PM): haha. inday pocketbooks!

Ninko(7:54:44 PM): i see

Ako (7:54:58 PM): ganun pala

 

 

*hindi tunay na mga pangalan at YM ID

 

Marami akong natutunan sa kanila, kasing dami ng deleted parts dun sa conversation. Siguro, nainlab na ako ng isang beses, naisin ko mang maulit yun sa parehong tao, hidni pwede, maprinsipyo ako eh. Ayoko ng umulit ng isang bagay na nakasakit sakin kahit na doon ako naging masaya. Basta basta, walang pakelaman.

 

 

And I was trying to disappear,
But you got me wrapped around you
I can hardly breathe without you
I was trying to disappear
But I got lost in your eyes now,
You brought me down to size now.

 

Thursday, February 5, 2009

ikawalo: Shortcuts: press Ctrl with: B = Bold, I = Italic, P = Publish, S = Save, D = Draft more

Martes ng gabi, napag-usapan namin ni Glenn na magpunta sa kabayanan para makakuha s’ya ng litrato para sa kanyang graduation. Bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede kaming dumaan ng kapitolyo para makapagparehistro na rin ako para sa eleksyon na magaganap sa Mayo Twentiten (May 2010). At alas otso ang napagkasunduang pagpunta nya sa bahay naming para ako ay gisingin para makaligo ako at makaalis kami ng alas- nuebe.

            Dumaan ng bahay namin si Glenn, nagulat ako. Puta akala ko alas otso pa lang, at pagtingin ko sa wolklok, putang ina nanaman, alas nuebe y medya na, at bihis na ang kupal na si Glenn. Parang tanga, nakalimutan daw akong gisingin. Ang karaniwang kalahating oras ng paliligo ay naging sampung minuto. Bilis, parang LBC.

            At buong sigla na naming tinungo ang kapitolyo n gaming mumunting syudad. Dahil sa kainitan, naisipan naming magsakay patungong munisipyo. Nuknukan talaga ng init, sobrang init na kahit ako na isang batang lansangan ay nainitan.

            Pagdating namin sa kapitolyo, maraming tao. Akala ko nga may artista eh, yun pala hinihintay nila ang aking pagdating, pero pauso ko lang yun. madaming tao ang nakapila para sa rehistrasyon sa pagboto. Kaya pa naman ako nagpahuli ng pagpaparehistro eh dahil ayoko talaga ng matagal na paghihintay. Pero dahil andun na kami, wala ng atrasan. Go na :D.

            Kapag pala below 21 years old ka, kakailanganin mo pala ng birth certificate para lamang makarehistro, at dahil wala akong dalang ganun, minarapat naming pumunta muna ng kabayanan para makapagpakuha muna si Glenn ng picture at matapos nun, pinababalik kami sa loob ng dalwampung minuto, kakailanganin pa kasi i-edit ang kanyang mga tagyawat. Pagkatapos nung umuwi muna kami para kunin ang aking birth certificate. At pagbalik naming sa kapitolyo, cut-off na daw dahil kailangan nilang magtanghalian. Alas-onse pa lamang nun, pero magtatanghalian na sila, at isipin mo pinababalik kami ng ala-una y medya, mukang madami silang kakainin, baka merong may birthday kaya matagal ang lunch break nila. O baka naman mabagal lang talaga silang kumain. Hindi ko alam. Malabo silang mga empleyado ng gobyerno.

            Pagbalik naming ng ala-una y medya o mas maaga pa, mas mahaba na yung pila, kung bakit ba naman kasi hindi nila kami pinayagang magpareserve ng slot para hindi na naming kakailanganin pang pumila ulit. Wala talaga silang magandang sistema. At sila din naman ang nahirapan, kasi parang may rampage na sa loob ng kapitolyo, sobrang dami na naming, maingay na, at parang nasa palengke na kami. Buti na lang nakasama ko si Glenn, kung hindi pagod na pagod na pagod na pagod ako sa kahihintay dun, mabilis pa man din akong mainip.

            Nakakainis yung nag-aassist sa mga taong nagpaparehistro, nakekeelam sa kung ano man yung gusto kong isulat, parang isa akong illiterate na tao, hindi marunong magbasa, sumulat at umintindi. Eh mas matalino naman ako sa kanya :) pati ba naman yung pagcheck ko ng pabaliktad eh pinapakelaman. Eh sa ganun ang nakasanayan ko eh, bakit ba nakekeelam pa sya. Nakakainis.

            At yon matapos ang isang oras na pagpila ng nakatayo. Nakunan na rin ako ng picture at ng thumb mark. Kung tutuusin, mabilis lang yung proseso. Yung mga empleyado lang ang nagpapakumplikado.

 

Youre so fine and you're mine
Make me strong, yeah you make me bold
Oh your love thawed out
Yeah, your love thawed out
What was scared and cold *

*teka bakit nasa playlist ko to? hahaha