Thursday, February 5, 2009

ikawalo: Shortcuts: press Ctrl with: B = Bold, I = Italic, P = Publish, S = Save, D = Draft more

Martes ng gabi, napag-usapan namin ni Glenn na magpunta sa kabayanan para makakuha s’ya ng litrato para sa kanyang graduation. Bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede kaming dumaan ng kapitolyo para makapagparehistro na rin ako para sa eleksyon na magaganap sa Mayo Twentiten (May 2010). At alas otso ang napagkasunduang pagpunta nya sa bahay naming para ako ay gisingin para makaligo ako at makaalis kami ng alas- nuebe.

            Dumaan ng bahay namin si Glenn, nagulat ako. Puta akala ko alas otso pa lang, at pagtingin ko sa wolklok, putang ina nanaman, alas nuebe y medya na, at bihis na ang kupal na si Glenn. Parang tanga, nakalimutan daw akong gisingin. Ang karaniwang kalahating oras ng paliligo ay naging sampung minuto. Bilis, parang LBC.

            At buong sigla na naming tinungo ang kapitolyo n gaming mumunting syudad. Dahil sa kainitan, naisipan naming magsakay patungong munisipyo. Nuknukan talaga ng init, sobrang init na kahit ako na isang batang lansangan ay nainitan.

            Pagdating namin sa kapitolyo, maraming tao. Akala ko nga may artista eh, yun pala hinihintay nila ang aking pagdating, pero pauso ko lang yun. madaming tao ang nakapila para sa rehistrasyon sa pagboto. Kaya pa naman ako nagpahuli ng pagpaparehistro eh dahil ayoko talaga ng matagal na paghihintay. Pero dahil andun na kami, wala ng atrasan. Go na :D.

            Kapag pala below 21 years old ka, kakailanganin mo pala ng birth certificate para lamang makarehistro, at dahil wala akong dalang ganun, minarapat naming pumunta muna ng kabayanan para makapagpakuha muna si Glenn ng picture at matapos nun, pinababalik kami sa loob ng dalwampung minuto, kakailanganin pa kasi i-edit ang kanyang mga tagyawat. Pagkatapos nung umuwi muna kami para kunin ang aking birth certificate. At pagbalik naming sa kapitolyo, cut-off na daw dahil kailangan nilang magtanghalian. Alas-onse pa lamang nun, pero magtatanghalian na sila, at isipin mo pinababalik kami ng ala-una y medya, mukang madami silang kakainin, baka merong may birthday kaya matagal ang lunch break nila. O baka naman mabagal lang talaga silang kumain. Hindi ko alam. Malabo silang mga empleyado ng gobyerno.

            Pagbalik naming ng ala-una y medya o mas maaga pa, mas mahaba na yung pila, kung bakit ba naman kasi hindi nila kami pinayagang magpareserve ng slot para hindi na naming kakailanganin pang pumila ulit. Wala talaga silang magandang sistema. At sila din naman ang nahirapan, kasi parang may rampage na sa loob ng kapitolyo, sobrang dami na naming, maingay na, at parang nasa palengke na kami. Buti na lang nakasama ko si Glenn, kung hindi pagod na pagod na pagod na pagod ako sa kahihintay dun, mabilis pa man din akong mainip.

            Nakakainis yung nag-aassist sa mga taong nagpaparehistro, nakekeelam sa kung ano man yung gusto kong isulat, parang isa akong illiterate na tao, hindi marunong magbasa, sumulat at umintindi. Eh mas matalino naman ako sa kanya :) pati ba naman yung pagcheck ko ng pabaliktad eh pinapakelaman. Eh sa ganun ang nakasanayan ko eh, bakit ba nakekeelam pa sya. Nakakainis.

            At yon matapos ang isang oras na pagpila ng nakatayo. Nakunan na rin ako ng picture at ng thumb mark. Kung tutuusin, mabilis lang yung proseso. Yung mga empleyado lang ang nagpapakumplikado.

 

Youre so fine and you're mine
Make me strong, yeah you make me bold
Oh your love thawed out
Yeah, your love thawed out
What was scared and cold *

*teka bakit nasa playlist ko to? hahaha

           

 

4 comments:

Anonymous said...

'yan ang sistema sa pilipinas. welcome to the 3rd-world country.

- tenco

N said...

salamat sa mainit na pagtanggap saakin :D

Matt said...

^_^ Paki batukan si Glen para sakin. Hehehe, Salamat sa pagbasa ng blog ko. *nose bleed*

N said...

Matt,

wala lang naisipan ko lang bumisita, salamat din sa pagbisita sa aking mumunting blog