Mga bandang alas onse ng gabi ng biyernes ng tinanong ako ni Mariel kung tuloy daw yung EB naming ni multiply layp partner. Bigla kong naalala na may lakad nga pala ako ng 24 at nagtataka ako kung bakit gising pa ako ng ganung oras. Eh kinakailangan kong gumising ng maaga para makapunta ng maaga sa aming tagpuan. At mukang kalahati lang nun ang nagawa ko. Yung parteng paggising lamang ng maaga.
Dahil alas diyes ng umaga ng sabado ang usapan namin ni Diane, sinet ko yung alarm(sa phone ng kapatid ko) ng ganap na alas-sais ng umaga. Hindi rin kasi ako sigurado kung gaano kalaki ng traveling time from San Pablo to Trinoma. Kaya minarapat kong gumising ng maaga. At dahil hindi naman talaga ako morning person, isinalba ako ng snooze function ng phone ni utol, at ganap na alas-sais-y-media na ng ako’y bumangon para mag-asikaso.at dahil din sa putang inang snooze function nay an, nalowbat ang phone ni utol. At nung naisip ko munang icharge, aba eh isa pang anak ng puta, walang kuryente sa bahay(isang napakagandang simula ng araw). Nuknukan ng swerteng bata nga naman nitong si N, masyado kasing madasalin :).
Nung bibili na ako ng pandesal sa aking suking pandesalan, nakita ko si darvin na naglalaro ng volleyball, at nakisama ako sa kanya sa pagpapawis, at medyo pinawisan nga ako. At dahil sa pinawisan nga ako, nagmaadali akong nagpaload at maligo(hindi ko na naalalang mag-almusal). Hindi ko ito ginawa ng sabay, ano ako superhero? Mahirap naming magpaload ng may shampoo ka pa sa ulo mo, at may sabon sa katawan.
Natapos akong maligo ng mga alas-syete, diretso bihis at diretso alis. Nanginginig dahil sa lamig ng tubig, at kinakabahan dahil two bars na lang yung baterya ng phone na dala ko. Nananalangin na rin na sana magkita kami ng maaga. Yung tipong hindi pa ako deadbat.
Pagdating ko ng buendia, saka ko lang naisip na dapat nagCubao na lang pala ako, mas madaling makapunta ng SM North Avenue, at dahil sa napakabuti ko sa direksyon, hindi ko alam kung paano pumunta ng SM North kung manggaling ako ng Buendia, kaya itinext ko si Alex, at dahil matagal magreply si alex at bugnutin akong tao nagtake ako ng risk, naisip kong magtungo sa lugar na hindi ko naman alam. Sumakay ako ng LRT patungong Monumento, isipin mo yung distansya ng Monumento at EDSA, nung nagreply si alex, sabi nya, malayo daw ako sa katotohanan. At malayo talaga ako sa katotohanan. Napakalayo.
At ayon, alam ko na ang direksyon patungo sa aking destinasyon. At sa SM North naman ako naligaw :). At nagkita din kami ng kaEB ko, mga alas-dose o ala una na yata kami nagkita, around two hours delayed for the rendezvous.
Ang problema naman ngayon ay ang patungong starcity. At dahil nag-improve na ang sense of direction, ay hindi pala yung sense of direction ang nag-improve, yung sense of inquiry (kung meron man nito) ko ang nag-improve. Tanong galore kami sa mga guards at iba pang personnel at minsan kahit sa mga nagtitinda ng yosi sa bangketa. At nakarating kami ng starcity.
Pagdating naming sa matagal na naming inaasam-asam na starcity, ang daming taoooooooooooooooo, may nalalaman pa naman kasing pagsayaw ang mga anak ng tipaklong na mga empleyado yan, nagtagal tuloy :)) kaya kumain na muna kami ng lunch, at naging napakalaking problema ng kung saan kami kakain, at napakagaling ng tumulong samin, tinulungan kami ng isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas, si Ka Pepe, heads or tails tails or heads, sya pa rin tumulong sakin sa pagkain na kakainin ko :)
At pagkatapos ng pagkain, sinimulan na ang dapat gawin, ang sumakay sa mga rides, ay bumili pala muna kami ng tickets.
Una naming sinakyan ang SurfDance, kinakabahan si Diane, ako din medyo, nung una ko kasing saky don akala ko mamatay na ako :). Pumila kami ng kulang kulang 20 minuto, at dun kami nagsimulang magbonding, kwentuhan galore, kadalasan personal na buhay na yung pinagkukwentuhan, hindi na gaano sa forum na pinagmulan naming forum. At nung nakasakay na kami, parang nakasakay lang sa duyan, hindi sulit ang tatlong daan pati na rin ang pagpila ng dalawampung minuto. Dapat nagduyan na lang ako sa bahay. Makakatulog pa ako.
At nalilito na kami sa susunod naming sasakyan, kung yung mini-roller coaster na may loop, o yung nakasuspend ka sa ere, at sumakay kami sa pareho, at katulad nung una, isang malaking disappointment. Naging sulit lang ang bawat pagsakay dahil sa mga kwentuhan sa pila.
Pumunta din kami sa mgapambatang mga dungeons (hindi ko kasi alam ang tawag sa ganung genre ng amusement thingies) wala lang, nagpapatay na lang ng oras.
Natatawa kami sa mga sumasakay ng mga rides, mga sakay ng sakay tapos sigaw naman ng sigaw, parang mga tanga. Kung sumigaw lang ng sumigaw ang gusto nila, maghanap sila ng asawa na batugan, lasenggo/a, at adik. Sa palagay ko naman, araw araw ang sigawan nila dun.
Hindi ko na maalala yung ibang details, pero sa palagay ko ang isang salita na maglalarawan sa mga nangyari kahapon ay ‘enjoy :)’
Folie à deux sana yung title ng entry na ito, pero dahil sa tradisyon ko na copy paste lang ang mga titles, hindi ko nagawang gawing ganun ang title. xD
Life's just a pace-car on death
Only less diligent
And when the two collide
It's no coincidence
The lights are on and everybody's home
The only thing suicidal here is the doors
We had a good run
Even I have to admit
Life's just a pace-care on death
Only less diligent