Monday, August 3, 2009
vi: i am the curve and you are my asyptote
In love ako sa’yo, siguro. Hindi ako sigurado kung inlab nga ako.. pero isa lang ang nasisisguro ko, nag-eenjoy ako kapag kausap kita, maliban na lamang sa konting pagkakataon na sabihin na nating hindi ko maintindihan ang mood mo. Minsan kasi sweet ka, ay hindi pala minsan, nung una lang pala yun.
Alam ko
Ewan ko para lang akong tanga, hahay.. minsan sobrang heartache kapag may tampo ka sa akin.
Siguro hindi na talaga tayo magkakadaupang palad.
Please tell me you're just feeling tired
cause if it's more than that I feel that I might break
out of touch, out of time.
Please send me anything but signals that are mixed
cause I can't read your rolling eyes
out of touch, are we out of time?
Tuesday, May 5, 2009
v: Kung Hindi Ikaw, Sino?
It's too late babyThere's no turning aroundI got my hands in my pocketand my head in a cloudThis is how I dowhen I think about you
iv: PIC PAC MAN!
‘TANG INA MO, PACMAN! HINDI KA PA KINAIN NG PUSA NUNG MALIIT KA PA!’
Ito lang ang masasabi k okay Manny Pacquioa, ang siguro isa sa pinakamabangis na boksingerong nabubuhay. Malupit na mga suntok, magandang fighting stance isama pa natin ang sobrang gandang footwork.
Hindi ko alam, pero mabangis s’ya idol ko nga sya eh, napababa nya ang crime rate sa bansa (nireport kasi ng PNP, ayon sa aking napanood, nung oras daw ng laban n’ya walang nangyaring krimen sa oras ng laban nya.).
Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa ganyong aktibidad na kinakailangang masaktan ang ibang tao, pero dun sa laban nya nung sabado, nabigla ako dahil bigla ko na lamang nakita ang sarili ko na nakkisigaw at nakikitalon kasama ang aking mga kapitbahay. Hanggang sa nagmuni-muni ako at naalala ko na kung paano akong napunta sa bahay ng aming kalapit bahay. Ganito yun…
Dahil walang internet sa bahay, naisipan ko na lang biglang maglakad-lakad para makabili na rin ng yosi, at nakikinig ko sa bahay ng mga karatig bahay na walang cable na nagbabakbakan na si Pacman at si Hatton. Hindi ko ito gaanong pinansin, nagtuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang nakita ko sa ang kumpulan ng aking mga kabarkada, nagsisisgawan na sila, yung iba tumatalon pa. at dahil ako ay isang taong nakikiusyoso lamang, naisipan ko na lang bigla na makisawsaw. PUTA! Laban lang pala ni Pacman ang pinapanood, bakit kailangan pang sumigaw at magsitalon. Ang jojologs talaga ng mga tao sa barangngay naming.
At nang makiusyoso na nga ako, aba teka, maganda na ang laban, unang pwesto ko pa lang nakita ko na agad si Hatton na bumagsak, steady pa rin ako. Parang hindi apektado pero nararamdaman ko na ang aking sugo ay nagsisimula nang tumaas, at nang ikalawang bagsak ni Hitman, dahil sa fake punch ni Pacman, hindi ko namalayan na tumalon na rin ako. Hindi ko na naalala ang pagbili ng yosi.
At nang ikalawang round, hindi na ako umalis sa pwesto ko, baka kasi maunahan pa ako ng kung sinong tambay.
Natatawa talaga ako nung matapos na ang laban, parang mga tanga yung mga tao, sila-sila na yung magkakasama sa panonood, sila-sila pa yung nagkukwentuhan, prang mga tanga, pero minsan productive talag yung discussion nila, maliban sa mga yabangang naganap, naroon din ang mga kuro-kurong nagbigay ng leksyon sa akin. Kung ano man yun, sakin na lang yun, hayaan ko na lang na diskubrehin mo kung ano man yung natutunan kong iyon.
Ang payo ko lang kay PACMAN, oh my IDOL PACMAN, wag ka nang tumakbo sa 2010, masisira lang ang karir mo dun.
At kay Martin Nievera naman, ' GAGO KA, WAG MONG SISIHIN ANG IDOL KO SA KATANGAHAN MONG KUMANTA'
When I grow up I wanna be famous, I wanna be a star, I wanna be in movies
When I grow up I wanna see the world, drive nice cars, I wanna have groupies
When I grow up, be on tv, people know me, be on magazines
When I grow up, Fresh and clean, number one chick when I step out on the scene
Monday, April 27, 2009
iii: My Stupid Mouth; Or Should I Say 'Fingers'?
Hindi ko alam, bored nanaman siguro ako kaya andito ako sa harap ng Microsoft word at nagtytype ng sari-saring mga bagay na wala namang kabuluhan. Nagbukas ako ng word pero wala pa rin naman akong idea kung ano ang aking isusulat. Minsa gusto kong sumulat ng isang nobela, pero hinaharangan ako ng idea na wala namang kwenta yung isusulat ko. At kung may magbabasa man nito, yung mga pinilit ko la ng na magbasa ang magtityaga.
Kung itutuloy ko pa to, magiging makalat lang ang laman nito at maguguluhan ka lang. ngunit dahil sabi ni Prof. Mabini DG. Dizon na kailangan mahalin mo ang iyong mambabasa. Mamahalin kita. Titigil muna ako sa pagtatayp at mag-iisip muna ng magandang topic.
May nabasa ako kanina, wala lang, nag-init ang tenga ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa hindi ko maexpress na nagbabagang damdamin sa mga bagay bagay. Ewan ko, siguro kahit anong pilit at sabi ko sa sarili ko na “N, you are so over her.” Hindi ko alam, ang saya-saya ko pa naman kanina kasi matagal kong nakasama si Karas. Pero nung nakabalik na ako sa undo ng internet at nabasa ko yung blog entry na yun.
Oo, apektado pa rin ako sa kanya. Kahit na nasa prinsipyo ko na bawal ang magrecylcle ng mga naging karelasoy, gustong gusto ko pa rin syang balikan sa hindi malaman na dahilan. Siguro, hinahanap hanap ko ang kanyang... uhmm.. pagmamahal? Maraming bagay na hindi ko naayos sa relasyon namin. Pero siguro hanggang pagkakaibigan na lang talaga. Tapos nasira pa dahil sa mga bagay na hindi ko inaasahang makalabas. Madaldal kasi akong tao, parang.. parang.. parang ang blog na ito. At naiinis ako na kahit pagkakaibigan ay ayaw n’ya na. ang Wala s’yang nabanggit na pangngalan dun sa entry nay un, pero dahil sa detalye nung mga bagay nay un. Alam ko na para sakin yun. ang bobo naman kasi ng mga daliri ko, at sa maling tao ko pa nasabi yung mga bagay na para sa kanya pala ay isang pribadong bagay. Kunsabagay, kanya-kanyang perspektibo yan.
Mali siguro na sinayang ko yung atensyong ibinigay n’ya sakin, nuknukan naman kasi ng bobo ng mga pangyayari nun. Clingy s’ya, at ako naman ay walang pakelam. Nagkandaleche-leche yung Thesis ko nung mga panahong yun. hindi ko alam kung ano na gagawin ko nun.
Siguro kailangan pinag-isipan ko muna lahat ng gagawin ko nun, ako kasi yung taong walang
Friday, April 17, 2009
ii: Dam-it
Nais ko na ngang sumali ng paliga ng basketball para lang madagdagan ang aking wardrobe, o kaya naman, makisali na lang sa pagbabayad ng jersey at hindi maglaro. Para lang talaga madagdagan ang aking mga isusuot. Kung itatanong mo naman sakin kung bakit hindi na lang ako bumili ng shirt sa palengke, ukay-ukay, sari-sari store, bangketa, talipapa, wet market, dry market, hardware, botika o kung saan pa mang tindahan na maiisip mo. Ito ang isasagot ko sa’yo: “gusto ko ng shirt na hindi ko mabibili kung saan-saan.” Overrated na kasi yung mga shirts na tulad ng 3 Stars and a Sun. Kahit saan makakakita ka na, *kahit halatang fake, sinusuot pa rin nila, makasabay lang sa uso*kahit mga batang paslit na hindi naman talaga alam kung ano ang isinisumbolo ng damit na yon meron. Mainstream na kasi. Isa pa, sabi sa isang sayt, kapag daw mahigit dalawang daan na ang meron, jologs na. At naniniwala naman ako dun.
It takes some time to fall in love
But it takes you years to know what love is
It takes some fears to make you trust
It takes those tears to make it rust
It takes some dust to make it polished
Sunday, March 29, 2009
i: Oras na.*
Dahil sa tinagal-tagal ng panahon na wala akong ginagawa sa aking buhay, nawawalan na rin ako ng oryentasyon sa oras at petsa. Medyo nakakainis lang kasi madami akong hindi naalalang kaarawan, mga espesyal na araw, tulad ng kaarawan ngmga tao, kaarawan ng aso naming, kaarawan ko (oo, muntik ko na rin makalimutan ang aking kaarawan). At pati ang Earth Hour ay muntik ko ng makalimutan.
Kakatapos lang ng earth hour kahapon, ito yung sinasabi ng mga tao na boto natin para sa mundo, pero alam ba talaga ng lahat ng tao kung ano ang significance nito sa buhay natin? Kung ano ang maitutulong nito sa kinabukasan ng mga batang magiging anak nila, mga batang mabubuhay sa hinaharap.
Nabalita sa baranggay namin na mawawlaan dawn g kuryente sa oras ng mundo, hindi ako naniwala dahil sa ang pagkakaalam ko eh prerogative ng isang household kung ito ay makikilahok sa naturang botohan para sa mundo. Ang nakakatawa, nakita ko yung mga kapitbahay naming na bumibili ng madaming kandila. Sobrang nakakatawa talaga, panic buying ang ginawa nila na humantong sa muntik na akong maubusan ng kandila nung ako na ang bibili. Tapos ang mas nakakatawa, nung mismong Earth Hour, wala man lang akong nakitang saradong ilaw maliban sa bahay naming at ang mga bahay na karatig naming, ibig sabihin tatalo lang kami sa purok naming na nakilahok. At ang pagbili nila ng kandila ay hindi upang makilahok, kundi paghahanda sa nabalitang pagkakaroon ng kawalan ng kuryente.
Hindi ko talaga maiwasang matawa na sa kabila ng napakaadvanced na mundo natin pagdating sa media(nasabi ko ito dahil sa karamihan ng bahay sa aming lugar ay may telebisyon) hindi pa rin naiintindihan ng mga mamayan kung ano ang mga bagay na dapat nilang maintindihan. Ang pagpapakalat ng impormasyon ay hindi pa rin nagagawa ng mabuti at ang kampanyang ginagawa ay hindi pa rin sapat.
Siguro sa lugar lang naming nagkaganito at hindi sa ibang lugar, squatter’s area kasi itong lugar namin, madaming adik, madaming mag-iinom, madaming sari-saring iba pa.
Dahil napag-usapan na rin lang naman ang usaping botohan, magsasalita na rin ako ukol dito. Kakarehistro ko lang nung pebrero,naisip ko na kalangang maging tama ang mga desisyon ko sa darating na 2010, hindi pwedeng basta basta lang ako boboto ng hindi puinag-iisipan to, kinabukasan ko kasi ang nakasalalay dito, pati na rin ang kinabukasan ng mga magiging anak ko (kung magkakaron man), mali mali, dapat pala.. kinabukasan ng bansa.
Wala pa akong naiisip na iboboto, pero sana may sumulpot madaming madaming madaming madaming politikong hindi trapo, yung tipong tatakbo dahil bored lang sila, o kaya naman eh wala na silang paglagyan ng pera, o kaya naman hindi sinabihan sya ng dyos na magpagaling pero hindi nya naman magawa kaya bigla na lang nya naisip na tumakbo ng mabilis sa freedom park o kaya naman eh sa paligid ng sunken garden, pwede rin naming gusto nya lang magartista, ay baliktad pala, mga artista pala yung mga gustong pumasok sa pulitika kahit wala naman talaga silang alam sa pagpapatakbo kahit ng isang baranggay lamang.
Sana lang hindi na na lumabas ang mga ito kandidatong hindi nararapat*at kung may sumulpot man, wag sana silang manalo, para wala na ring Lala at Zorro sa pagala-gala sa kung saan man.
Wala nang pinatutunguhan ang aking sinasabi, sumasakit na ang ulo ko. Tinatamad na rin akong mag-isip. Pagod na ako sa sistema. At kinakain na rin ako nito.
*Dahil ngayon na lang ulit ako nakapagblog, kailangan iba naman ang gawin ko sa blog-entry ko, naisip ko na mas maganda kung iisip na ako ng title, at parang ibang kabanata na ito, kaya iba na rin yung pambilang ko sa mga entries ko. parang naisip ko lang na ibang season na itong ginagawa ko, kaya
Friday, February 20, 2009
ikasampu: Need inspiration? Try one of these templates.
Tinatamad akong gumawa ng entry ngayon, ang jologs kasi ng mga pangyayari sa buhay ko, nakakainis isipin na wala na akong nagagawang productive na bagay simula ng maging bum ako, ang tanging nagagawa ko na lang ay hurap sa computer at manood ng telebisyon, parang tanga, nakakainis na hahay. Tinatamad nanaman ako, pero ipopost ko pa rin to..
Pero bigla ko na lang naisip gumawa ng isang introduksyon, napapagaya nanaman ako kay bob ong, sabi nga ni
Pag-usapan muna natin ang parte ng aking blog. Bukod saw ala ng kwentang mga introduksyon, at walang katigatigatig na pagyayabang, wala naming kakaiba sa blog ko, ito yung tipikal nab log na hindi mo na itutuloy ang pagbabasa matapos mong basahin ang title pa lamang. Kasi yang mga title nay an ay mga copy-paste thingies mula sa kung saan-saang sayt na aking madalas binibisita.
Kung yung mga italicized letters sa katapusan ng bawat post ko yung mga itatanong mo, wag ka nang magtanong, kasi sasabihin ko na kung ano yun. Ito yung pinakanagustuhan kong parte ng lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa aking media player habang ipinopost ko ang aking mga entries. Nakuha ko yung idea nay un kay Ginoong Cabugao, isang nuknukan ng bait na kaklase ko sa PI 100. Minsan pinipili ko rin yung parting medyo related sa post, kung wala naman talagang makita edi yung pinakapaborito ko na lang talaga.
Yung tungkol naman sa banner ko, yung Marlboro pack na nasa itaas ng aking blog, kasama yung title ng blog na walang kwenta. Hmmm, wala lang, naisip ko lang na gawing banner yan kasi.. gusto ko lang. Smoker kasi ako, feeling ko hindi ko na maalis yun. kung maalis ko man yun, swerte.
At dahil nabanggit ko yung title nung blog ko kanina, ito na siguro yung tamang panahon para idefend kung bakit may ‘H’ yung ‘trophy’. Masasabi kong isa itong korupsyon ng salitang entropy o yung rate of disorderliness. Magulo kasi ang utak ko, parang itong post na ‘to, napakadisorganized, kung ano lang maisip ko, yun ang tinatayp ko. Walang organization, buti pa yung mga langgam marunong pumila.
Magulo talaga ang utak ko, mas magulo pa sa post na ‘to. Pakiramdam ko madaming bagay pa ang nakalimutan ko pero hindi ko maisip kung ano. Hala, bahala na, isisingit ko na lang sa mga susunod kong post.
Honga pala, muntik ko na makalimutan, salamat sa mga taong bumati saakin kahapon, hindi nyo alam kung gaano n’yo ako napasaya. SALAMAT SALAMAT SALAMAT to the nth power as n approaches infinity.
Monday, February 9, 2009
ika-siyam: Relevant advertising creates a better web experience.
Dahil Pebrero na, naisip kong mag post ng isang entry, wala lang, naisip ko lang. Pero wala naman akong magandang topic na maisip. Tapos, nakausap ko si Ola, isang katoto sa BobOngBooks. Binigyan nya ako ng mga ideas para sa susunod kong blogpost, pero wala pa rin akong napili kaya naisip ko na lamang na gumawa ng post tungkol sa feb-ibig. Pero wala pa ring pumapasok sa isip ko tungkol sa feb-ibig, hanggang sa naisip ko ang isang confe na sinalihan ko. At buti na lang lagi akong handa at nakasave palagi ang archives ko :) at ito ang naging usapan namin.
Sidt*(7:45:52 PM): pag na-heartbroken ka sa "crush" d lang basta crush yon haha
Ninko*(7:45:54 PM): :))
Sidt(7:45:59 PM): naman
Ninko(7:46:00 PM): talaga??
Sidt(7:46:02 PM): eh grade 4 ka kasi nun
Sidt(7:46:18 PM): sensitive talaga pag bata pa
Luna*(7:46:21 PM): haha
Ninko(7:46:36 PM): ah so normal lang yun at hindi talaga yun heartbroken?
Sidt(7:46:37 PM): ako nga d lang binilhan ng water gun nung grade 2 ako umiyak na ako eh
Sidt(7:46:47 PM): saka d lang ako pinayagan manood ng dragon balls nagisisisgaw ako sa bahay
Sidt(7:47:05 PM): nde heartbroken yun haha
Ninko(7:47:10 PM): ah ok
Ninko(7:47:12 PM): weeeeeeee
Ako (7:47:13 PM): magandang logic
Luna(7:47:15 PM): wahahha
Ako (7:47:18 PM): :)
Sidt(7:47:21 PM): eh lately Ninko....
Sidt(7:47:25 PM): wala ba?
Ninko(7:47:28 PM): lately..
Ninko(7:47:47 PM): wala akong iniyakan pero meron akong laging iniisip
Ako (7:48:01 PM): kapag ba laging iniisip lab na?
Ninko(7:48:07 PM): oo nga?
Sidt(7:48:39 PM): yihee
Sidt(7:48:40 PM): sino naman
Ninko(7:48:47 PM): ngek
Sidt(7:48:50 PM): nde naman dahil lagi iniisip lab na
Ninko(7:49:04 PM): ah so wala din lang yun
Luna(7:49:05 PM): e pag napanaginipan?
Sidt(7:49:05 PM): haha saka ikaw lang naman talaga makakapag-sabi kung mahal mo yng tao o nde
Sidt(7:49:09 PM): kasi ikaw yung nakakaramdam eh
Ako (7:49:13 PM): eh pano mo msasabi kapag lab na?
Ninko(7:49:16 PM): e ano ba ang mararamdaman?
Sidt(7:49:24 PM): wan ko senyo
Sidt(7:49:26 PM): hahahaha
Luna(7:49:30 PM): wahahaha
Sidt(7:49:31 PM): kayo dapat makaalam
Ako (7:49:47 PM): so, mahirap pala malaman
Ninko(7:49:51 PM): oo nga
Sidt(7:50:00 PM): kung d mo kilala sarili mo, mahirap malaman
Ninko(7:50:04 PM): hala
Ninko(7:50:07 PM): :))
Ako (7:50:08 PM): eh ikaw Sidt, nainlab ka na?
Sidt(7:50:13 PM): oo
Sidt(7:50:14 PM): :))
Ako (7:50:17 PM): sa iyong palagay
Ako (7:50:18 PM): huwaw
Ako (7:50:21 PM): ano naradaman mo?
Luna(7:50:24 PM): hahah. tsk. hey self. let me know you. :))
Ninko(7:50:26 PM): oo nga?
Ako (7:50:33 PM): naiihi ka ba?
Sidt(7:50:37 PM): nde
Ako (7:50:41 PM): natatae?
Sidt(7:50:41 PM): pang-pocket book lang yung ganun ganun
Ako (7:50:51 PM): ano naramdaman mo?
Ninko(7:50:56 PM): tumigil ba ang oras?
Sidt(7:50:59 PM): nde
Ako (7:51:00 PM): saka pano mo narealize na inlab ka na?
Sidt(7:51:07 PM): kasi gusto ko sya
Sidt(7:51:17 PM): tas natutuwa ako pag kausap ko sya
Sidt(7:51:29 PM): tas naisip ko nagka-crush na ako maraming beses dati
Sidt(7:51:34 PM): pero iba to ngayon
Ako (7:51:42 PM): ganun ako sa bespren kong babae, pero pakiramdam ko hindi ako inlab sa kanya
Sidt(7:52:23 PM): saka andun yung gusto mo na
Ninko(7:52:28 PM): ah so dapat kilala mo yung magiging lab mo?
Sidt(7:52:40 PM): pero kung hindi , ayos lang, basta may nararamdaman ka sa nyan
Sidt(7:52:42 PM): hahaha
Luna(7:52:42 PM): wahaha
Sidt(7:52:45 PM): syempre
Ako (7:52:50 PM): ahhh ganun pala
Luna(7:52:51 PM): shet.
Sidt(7:52:52 PM): pano mo mamahalin yung isang tao kung d mo kilala?
Luna(7:52:53 PM): =))
Sidt(7:52:54 PM): :-s
Ako (7:52:57 PM): so hindi pala ako inlab ngayon
Luna(7:52:59 PM): aw. mahirap yon
Ninko(7:53:03 PM): ako rin :(
Ako (7:53:03 PM): karas ko lang si erika
Sidt(7:54:16 PM): basta yung mga nasa pelikula nila john lloyd/bea alonzo, o kaya sa mga inday pocketbooks
Sidt(7:54:20 PM): OAness na yun
Sidt(7:54:29 PM): hahaha kasi nung ako nainlab nde naman ganun
Luna(7:54:29 PM): haha. inday pocketbooks!
Ninko(7:54:44 PM): i see
Ako (7:54:58 PM): ganun pala
*hindi tunay na mga pangalan at YM ID
Marami akong natutunan sa kanila, kasing dami ng deleted parts dun sa conversation. Siguro, nainlab na ako ng isang beses, naisin ko mang maulit yun sa parehong tao, hidni pwede, maprinsipyo ako eh. Ayoko ng umulit ng isang bagay na nakasakit sakin kahit na doon ako naging masaya. Basta basta, walang pakelaman.
And I was trying to disappear,
But you got me wrapped around you
I can hardly breathe without you
I was trying to disappear
But I got lost in your eyes now,
You brought me down to size now.
Thursday, February 5, 2009
ikawalo: Shortcuts: press Ctrl with: B = Bold, I = Italic, P = Publish, S = Save, D = Draft more
Martes ng gabi, napag-usapan namin ni Glenn na magpunta sa kabayanan para makakuha s’ya ng litrato para sa kanyang graduation. Bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede kaming dumaan ng kapitolyo para makapagparehistro na rin ako para sa eleksyon na magaganap sa Mayo Twentiten (May 2010). At alas otso ang napagkasunduang pagpunta nya sa bahay naming para ako ay gisingin para makaligo ako at makaalis kami ng alas- nuebe.
Dumaan ng bahay namin si Glenn, nagulat ako. Puta akala ko alas otso pa lang, at pagtingin ko sa wolklok, putang ina nanaman, alas nuebe y medya na, at bihis na ang kupal na si Glenn. Parang tanga, nakalimutan daw akong gisingin. Ang karaniwang kalahating oras ng paliligo ay naging sampung minuto. Bilis, parang LBC.
At buong sigla na naming tinungo ang kapitolyo n gaming mumunting syudad. Dahil sa kainitan, naisipan naming magsakay patungong munisipyo. Nuknukan talaga ng init, sobrang init na kahit ako na isang batang lansangan ay nainitan.
Pagdating namin sa kapitolyo, maraming tao. Akala ko nga may artista eh, yun pala hinihintay nila ang aking pagdating, pero pauso ko lang yun. madaming tao ang nakapila para sa rehistrasyon sa pagboto. Kaya pa naman ako nagpahuli ng pagpaparehistro eh dahil ayoko talaga ng matagal na paghihintay. Pero dahil andun na kami, wala ng atrasan. Go na :D.
Kapag pala below 21 years old ka, kakailanganin mo pala ng birth certificate para lamang makarehistro, at dahil wala akong dalang ganun, minarapat naming pumunta muna ng kabayanan para makapagpakuha muna si Glenn ng picture at matapos nun, pinababalik kami sa loob ng dalwampung minuto, kakailanganin pa kasi i-edit ang kanyang mga tagyawat. Pagkatapos nung umuwi muna kami para kunin ang aking birth certificate. At pagbalik naming sa kapitolyo, cut-off na daw dahil kailangan nilang magtanghalian. Alas-onse pa lamang nun, pero magtatanghalian na sila, at isipin mo pinababalik kami ng ala-una y medya, mukang madami silang kakainin, baka merong may birthday kaya matagal ang lunch break nila. O baka naman mabagal lang talaga silang kumain. Hindi ko alam.
Pagbalik naming ng ala-una y medya o mas maaga pa, mas mahaba na yung pila, kung bakit ba naman kasi hindi nila kami pinayagang magpareserve ng slot para hindi na naming kakailanganin pang pumila ulit. Wala talaga silang magandang sistema. At sila din naman ang nahirapan, kasi parang may rampage na sa loob ng kapitolyo, sobrang dami na naming, maingay na, at parang nasa palengke na kami. Buti na lang nakasama ko si Glenn, kung hindi pagod na pagod na pagod na pagod ako sa kahihintay dun, mabilis pa man din akong mainip.
Nakakainis yung nag-aassist sa mga taong nagpaparehistro, nakekeelam sa kung ano man yung gusto kong isulat, parang isa akong illiterate na tao, hindi marunong magbasa, sumulat at umintindi. Eh mas matalino naman ako sa kanya :) pati ba naman yung pagcheck ko ng pabaliktad eh pinapakelaman. Eh sa ganun ang nakasanayan ko eh, bakit ba nakekeelam pa sya. Nakakainis.
At yon matapos ang isang oras na pagpila ng nakatayo. Nakunan na rin ako ng picture at ng thumb mark. Kung tutuusin, mabilis lang yung proseso. Yung mga empleyado lang ang nagpapakumplikado.
Saturday, January 31, 2009
ikapito: Find Deals, Read Reviews from Real People. Get the Truth. Then Go.
Since boredom is killing me, bigla ko na lang naisip na ipost yung bucket list ko. Medyo may katagalan na ring nasaakin tong lumang papel na ito. Dinagdagan ko lang ng konti kahapon. Well, siguro madadagdagan pa ito sa mga susunod na mga araw, buwan o taon, hindi ko alam. Basta gusto ko lang itong ishare sa mga taong nagbabasa ng blog na ito. At ito na s’ya.
BUCKET LIST!*
[x] Star gazing with someone special
[x] Laugh ‘til I cry
[] Milk a cow
[] Bungee jumping
[] Witness something majestic
[] Sky diving (?)
[] Shoplift :)
[x] Have a degree
[] Finish a Post-Grad degree
[] Take a picture with Oble
[] SCUBA dive/ snorkle
[] Inuman session with Ama
[] Compete and complete a marathon
[] Ride a hot air balloon
[]
[] Meet Mariel in person
[] Get a tattoo
[] Have my hair dread-locked
[] Go on a road trip with no predetermined destination
[] Talk about life with a total stranger
[] Sleep under the stars
[x] Go Fishing
[] Visit
[x] Participate in a rally
[] Go skinny dipping at Boracay
[x] Learn how to use chopsticks
[] Attend an FOB or P@TD concert
[] Find a four leaf clover
[] Pay for a stranger’s meal anonymously
[] Attend a lesbian/gay bar
[] Have at least two children
[x] Dance in the rain with someone who loves me/whom I love
[x] Donate blood
[] Be a member of Red Cross/ WWF/PETA
[] Stop smoking
[] Ride a pushcart (thanks to ola)
*Yung mga may ‘x’, tapos na or partially completed. :)